The Cozy Mama G

The Cozy Mama G Just a mom cooking, loving, and surviving one day at a time. ✨

03/04/2026
Home made Cinnamon Rolls ❤️
03/04/2026

Home made Cinnamon Rolls ❤️

Homemade Dubai Chewy Cookies 🤩
24/03/2026

Homemade Dubai Chewy Cookies 🤩

Comfort food! Greenwich!! 💚*photo not mine*
23/04/2025

Comfort food! Greenwich!! 💚

*photo not mine*

23/04/2025

Being a Stay at Home Mom is a selfless job.

Imagine, 24/7 kang kailangan without leave tapos di ka kumikita ng pera kahit pagod na pagod ka na.

Imagine yung mga walang katapusang gawaing bahay at alaga sa mga anak pero sasabihin sa 'yo, "nasa bahay ka lang naman."

Imagine yung ginive up mong career o oportunidad na kumita para maalaagan at matutukan ang mga anak tapos ang tawag sayo "HOUSEWIFE LANG".

Imagine yung pagmamahal mo sa pamilya mo para gawin ito araw-araw...

Maraming nangmamaliit sa mga kagaya natin pero palagi mo iisipin 'Nay kung bakit tayo nagsasakripisyo-- para sa pamilya. Wag mo bibitawan yung pagmamahal kasi yan ang drive natin sa buhay. Wag mo din iisipin ang sinasabi ng ibang tao dahil ang mahalaga, nasusubaybayan mo ang paglaki ng mga anak mo.

Words by: Stay at Home Pinay Mom

Malapit na Mother's Day ❤️ Sana supresahin naman natin si Nanay :)

Some days feel heavy. I feel invisible, unheard, and unseen. But one hug from my baby reminds me why I keep going.To eve...
22/04/2025

Some days feel heavy. I feel invisible, unheard, and unseen. But one hug from my baby reminds me why I keep going.

To every mom who feels this way — you are strong, you are loved, and you are never alone.

We got this, mama. 🤍

Leche Flan RecipeMga Sangkap:10 piraso ng itlog (egg yolks lang)1 lata (300ml) ng condensed milk1 lata (370ml) ng evapor...
14/04/2025

Leche Flan Recipe

Mga Sangkap:
10 piraso ng itlog (egg yolks lang)

1 lata (300ml) ng condensed milk
1 lata (370ml) ng evaporated milk
1 kutsarita vanilla extract

Para sa Caramel:
1 tasa asukal
1/4 tasa tubig

Paraan ng Pagluluto:
Caramel:
Sa kawali o llanera, ilagay ang asukal at tubig.

Lutuin sa katamtamang init habang hinahalo hanggang matunaw at maging golden brown ang asukal.

Kapag nakuha na ang tamang kulay, ilipat agad ang caramel sa mga llanera o mold na gagamitin. Iikot ang llanera para pantay ang caramel sa ilalim. Itabi.

Flan Mixture:
Sa malaking bowl, paghiwalayin ang egg yolks. Itapon ang puti o itabi para sa ibang recipe.

Dahan-dahang haluin ang egg yolks gamit ang whisk o tinidor. Huwag masyadong bugbog para hindi magka-bubbles.

Idagdag ang condensed milk, evaporated milk, at vanilla extract. Haluin lang hanggang magpantay ang kulay at mixture.

Salain ang mixture gamit ang fine strainer o cheesecloth para maging makinis ang flan.

Pagluluto:
Ibuhos ang flan mixture sa llanera na may caramel.

Takpan ng aluminum foil ang ibabaw ng llanera.

I-steam ito sa kalan (bain-marie method) ng 30-40 minuto o hanggang sa kapag sinaksak ng toothpick sa gitna, lumabas itong malinis.

Pwede ring i-bake sa oven sa 180°C (350°F) ng 40-50 minutes, nakababad sa hot water bath.

Palamigin at Ihain:
Palamigin muna ng bahagya bago ilagay sa ref.

Kapag malamig na, itumba sa plato at iserve.

Tips:
Para mas rich, pwede mong dagdagan ng 1-2 egg yolks.

Huwag masyadong haluin ng mabilis para maiwasan ang bubbles.

Mas maganda kung overnight sa ref para mas siksik at malambot ang flan. 🍮

🥣 Sopas ni MamaLutong bahay na pampainit ng tiyan at puso.🧂 Mga Sangkap:2 tbsp mantika3 cloves bawang, tinadtad1 sibuyas...
10/04/2025

🥣 Sopas ni Mama
Lutong bahay na pampainit ng tiyan at puso.

🧂 Mga Sangkap:
2 tbsp mantika
3 cloves bawang, tinadtad
1 sibuyas, hiniwa
1 tasa giniling na manok o hiniwang hotdog
1 tasa diced carrots
1 tasa repolyo, hiniwa
1 lata evap milk
1/2 kilo elbow macaroni
6-7 tasa tubig
Asin at paminta, panimpla

👩‍🍳 Paraan ng Pagluto:

Sa kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
Idagdag ang manok o hotdog. Lutuin hanggang magkulay.
Ihalo ang carrots, tapos ang macaroni.
Ibuhos ang tubig. Pakuluan hanggang lumambot ang pasta.
Ilagay ang repolyo at evap milk. Haluin.
Timplahan ng asin at paminta. Pakuluan pa ng 2-3 minuto.

Serve nang mainit, perfect sa malamig na panahon o pag may sipon si baby 😄

Address

Dubai

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Cozy Mama G posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share