25/03/2026
Ang Red Flags sa Utang, Liquidation, at Monitoring ng OVP
* Lumobo ang obligasyon ng OVP. Umabot sa ₱238.34M ang total liabilities, habang ₱187.85M lang ang total assets. Resulta: negative net assets na ₱50.49M. Sa simpleng salita, mas mabigat ang kailangang bayaran kaysa sa hawak na resources sa year-end.
* Halos dumoble ang financial liabilities sa loob lang ng isang taon. Mula ₱106.49M noong 2023, naging ₱198.87M noong 2024. Hindi ito maliit na galaw. Senyales ito ng lumalaking unpaid obligations at mas mabigat na pressure sa financial position ng opisina.
* Mismong inter-agency payables ay tumaas nang husto. Mula humigit-kumulang ₱298K, naging ₱32.22M. Ibig sabihin, hindi lang ito usapin ng isang account na gumalaw. May malinaw na pagdami ng obligasyong hindi agad na-settle.
* Sa pangkabuhayang programa, pasado man ang beneficiaries sa eligibility, hindi naman naisagawa nang maayos ang feasibility at viability assessment ng mga proyekto. Lahat ng 138 beneficiaries ay qualified, pero walang documented basis na nagpapakitang nasuri nang maayos kung may sapat na tsansa bang maging workable, sustainable, o kapaki-pakinabang ang mismong livelihood projects. Iyan ang problema: puwedeng tama ang napiling tao, pero kulang ang ebidensiyang tama rin ang pinondohang proyekto.
* Mahina ang post-release monitoring. Sa 83 sampled beneficiaries, 11 lang ang na-monitor sa tamang 3-month period. Ang natitirang 72 ay na-monitor nang late, maaga, o hindi alinsunod sa required timing. Kapag ganiyan, humihina ang kakayahan ng gobyerno na i-verify kung ang inilabas na pondo ay nagamit ayon sa layunin at kung may totoong naging resulta.
* May seryosong delay sa liquidation. May 31 individuals at 11 NGOs/CSOs na nahuling magsumite ng liquidation, na may delays mula 2 hanggang 154 days. Mas problema pa rito, wala umanong malinaw na written penalties o standardized sanctions para sa delayed or non-submission. Sa governance, red flag iyan dahil hindi sapat ang paglabas ng pondo; dapat malinaw din ang enforcement kapag delayed ang accounting.
* May overstatement sa naitalang value ng donated equipment. Ang donated equipment na naitala sa halagang ₱3.824M ay dapat nasa ₱2.613M lang, kaya na-overstate ng ₱1.211M ang recorded amount. Hindi ito awtomatikong patunay ng pandarambong, pero malinaw itong indikasyon ng mahinang controls sa valuation at accounting treatment ng assets.
* May malaking pondong hindi agad na-convert into obligation or ex*****on. Umabot sa ₱301.16M ang unobligated allotments. Hindi ibig sabihin nito na bawal laging may matira, pero sa ganitong halaga, lehitimong tanong kung may bottlenecks ba sa planning, procurement, implementation, o program ex*****on.
* Pati required climate budget tagging ay hindi naisagawa. Hindi ito ang pinakamalaking issue sa report, pero importante pa rin ito dahil compliance issue ito. Kapag ang isang opisina ay hindi nakakakumpleto ng required reporting, ipinapakita nito na may kahinaan sa administrative discipline at documentation processes.
Mas importante ang pattern kaysa isang isolated item:
* lumalaki ang obligasyon
* mahina ang validation ng ilang proyekto
* kulang o sablay ang monitoring
* delayed ang liquidation
* may accounting misstatement
* at may signs ng ex*****on bottlenecks
Iyan ang dahilan kung bakit hindi puwedeng i-dismiss ito bilang “minor lang” o “normal lang sa gobyerno.” Hindi rin tama na agad sabihing ito ay direktang ebidensiya ng nakaw kung hindi iyon mismo ang sinasabi ng audit findings.
BAGO KAYO MAGALIT SA AKIN MGA DDS:
Ang report ay hindi pa smoking gun ng outright fraud, pero malinaw itong nagpapakita ng financial strain, weak internal controls, compliance lapses, at implementation weaknesses. At sa gobyerno, iyan mismo ang mga kundisyong puwedeng pagmulan ng mas malalaking problema kapag hindi inaagapan.
Ito ay larawan ng isang opisina na may lumalaking obligasyon at mga butas sa paghawak, pagmonitor, at pagdokumento ng pera at programa. At kapag pera ng bayan ang usapan, kahit “butas” pa lang iyan, seryosong red flag na iyon.
Source: https://www.coa.gov.ph/reports/annual-audit-reports/aar-ngs/ #49-8115-office-of-the-vice-president-2024-aar-ngs