13/04/2023
Lately nawala ako sa focus sa sarili ko ng dahil sa pinagdadaanan ko . Sa pagkawala ng aking ina at sa panggagago ng taong never kung inakalang magagawa sakin yon .
Kapag nasa " ABROAD" ka akala ng iba na tinatae lang namin ang pera , akala ng iba mayaman Kana, sa salitang abroad nakaakibat ang salitang obligasyon .yes nakakaangat man sig**o kami dito compare sa ibang sitwasyon sa Pinas pero hindi po kami nag magic ng pera . Minsan kaming nasa ibang bansa ang siyang mas nagsusumikap pa para lang matustusan ang pangangailangan ng pamilya sa Pinas , na kami palagi ang takbuhan pag May kailangan pag May emergency.
Dahil sa naranasan naming mahirap na pamumuhay sa Pilipinas noon at ngayong nasa ibang bansa kami nagsisikap kaming makatulong sa pamilya sa Pinas sa abot ng makakaya namin ,kahit minsan wala na naghahanap kami ng paraan para sa inyong pamilya namin.sa bawat hinge at emergency dumidiskarte kami ngsisikap na maibigay yon hindi dahil sa obligasyon yon kundi dahil sa mahal namin kayo, na mas iniisip namin kayo kesa sa sarili namin ,mas iniisip namin ang kalagayan niyo kesa sa sarili namin.kahit na pagod na pagod na ang katawan namin hala sige lang para sa inyong pamilya na kahit papanu maranasan niyo ang magandang buhay .
Nasa ibang bansa man kami ,mas magaan man ang buhay namin kesa sa inyong nasa Pilipinas pero sa sana maisip niyong tao lang kami napapagod at nasasaktan din . Huwag niyo sanang abusuhin Yong pagmamahal at pagtitiwalang binibigay namin sa inyo kasi ang bawat bigay namin sa inyo pinagpaguran namin yon . Sana ma appreciate ng bawat pamilya Yong taong walang alinlangan na nagbibigay sa inyo ng tulong na huwag niyong abusuhin at gaguhin Yong taong nakakatulong sa inyo . Matuto kayong mag appreciate sa bawat sentimong binigay sa inyo.
Depression is not a joke valid na maramdaman ng tao yan sa pagsubok na kinakaharap natin , valid ang mga luhang pumapatak sa mata natin dahil sa panlilinlang ng tao sa paligid natin , ok lang masaktan at umiyak mas nakakagaan yan ng nararamdaman ,ok lang malugmok pero sikapin nating bumangon at lumaban ulit para sa ibang mahal natin sa buhay na anjan Lage sa tabi natin , specially sikapin nating maging ok para sa sarili natin ,buoin ng dahan dahan ang sarili para mas buo ang sariling harapin lahat ng hamon sa buhay.
Pinapanalangin ko nalang at alam ko balang araw matatapos din ang pagsubok natu . Nakikita at alam ng diyos ang mga taong mapang abuso at alam ko May kaakibat na parusa yan . Isang araw alam ko masasabi kung ok na ako 👌, ako pa ba 😊 malulugmok man patuloy pa ding lalaban sa buhay .