14/01/2025
Lutong Bahay in NZ 🇳🇿: Chicken Biryani
Ako nga pala si Let, isang dating OFW sa Dubai at ngayon ay isang stay at home Mommy dito sa NZ. Mas naging love language ko ang pagluluto simula nang lumipat kami dito sa NZ.
Tara, luto tayo 🫶 Nakakatuwa na kaya din pala natin ito lutuin sa bahay.
Ingredients:
Biryani sauce/gravy
Oil
Onions
Kamatis
Garlic paste
Ginger paste
Yogurt
Shan Biryani Mix
1kg of chicken
Salt
Carrots
Biryani rice
Basmati - 4 cups
Laurel Leaves
1 pc - Cinnamon stick
Salt
Steps:
1. Mag-init ng 1 cup of cooking oil at ilagay ang onions (low fire). Hintaying mag golden brown ang onions at idagdag ang diced tomatoes.
2. Ilagay ang chicken, garlic paste, at ginger at igisa ng mga 5-10 mins (para masangkutsa).
3. Ilagay ang patatas, yogurt, biryani mix at hayaang kumulo ng 5 mins.
4. Maglagay ng 1 cup ng tubig
at pakuluan ng mga 10 mins.
Biryani rice:
5. Ibabad ang basmati rice sa tubig ng 30 minutes (or depende sa instruction ng nabili nyo na basmati rice.)
6. Hugasan ang bigas at Salain.
7. Magpakulo ng tubig at ilagay ang basmati rice, dahon ng laurel, asin, at cinnamon stick.
8. Pakuluan ng mga 15 minutes or depende sa lambot na gusto nyo dahil maluluto pa ang bigas kapag niluto kasama ng gravy.
9. I-layer ang basmati rice sa kaldero at maglagay din chicken at biryani sauce (magtira ng 1/4 na sauce para pwdeng gawing gravy), after maglagay ng basmati rice sa ibabaw.
10. Takpan ang kaldero at hayaang maluto ng 15 to minutes sa mahinang apoy.
11. Maghiwa din ng sibuyas, carrots, at coriander para maging side dish.
Sana magustuhan ninyo at ng inyong pamilya 😊.
゚ 🇳🇿🇵🇭
Check out LutongBahayinNZ’s video.