08/10/2026
Sometimes, kapag matagal akong hindi nakapag-bake (sa pagod sa byahe sa work) napapatanung ako.
"Me oorder pa kaya?"
"Baka nakalimutan na nila."
"Baka sa umpisa lang talaga 'yang Grasa Bakes."
Mga ganyan. Pramis. Until now hindi pa rin ako ganun ka-confident sa baking pero salamat sa lahat ng feedback niyo kase nakakalakas ng loob. 😀💪🏻 Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, pagbubutihin pa. Basta 'wag kayong magsasawa! 😜
Maraming salamat! 🖤🩶🖤