18/10/2026
DITO NAG-UMPISA LAHAT...
Ang isyu sa pagitan nina Patrick Garcia at
Dennis Trillo ay nag-ugat sa isang
kamakailang "tell-all" interview ni Patrick
Garcia sa vlog ng showbiz reporter na si Ogie
Diaz.
Sa panayam na iyon, binalikan ni Patrick ang
naging relasyon at hiwalayan nila noon ng
kaniyang dating kasintahan na si Jennylyn
Mercado, kabilang ang tungkol sa kaniyang
pagbubuntis at sa anak nilang si Alex Jazz.
Ayon kay Patrick, napilitan siyang magsalita at
ibahagi ang kaniyang panig dahil nadadamay
at nababash sa social media ang kaniyang
panganay na anak na babae (si Michelle
Garcia) na papasok na rin sa mundo ng
showbiz.
* Ano ang dahilan ng pag-bash sa kaniya?
Idinadamay ng mga netizen si Michelle sa
mga isyu ng kanyang ama. Binabatikos
siya dahil sa pagiging "inconsistent" o hindi
naging madalas na pagpapakita ni Patrick
sa panganay nitong anak na si Jazz. Ayon
kay Patrick, sinabihan siya ni Michelle ng,
"They're bashing me because
of you. Daddy, why don't you tell
your story?"
NA NAGTULAK sa KANIYA na MAGSALITA na.
* Ang naging Reaksyon ni Dennis Trillo:
Kasunod ng interview ni Patrick, nag-post
ang stepfather ni Jazz na si Dennis Trillo
sa Facebook. Sinabi ni Dennis na...
"hindi ako pabor sa bashing,
ngunit nagpapasalamat ako
dahil "naalala" ni Patrick si Jazz
matapos lamang ma-bash ang
sarili nitong anak na babae.
Matatandaang huling nakita ni Patrick si Jazz noong Disyembre 2017 pa.
Matapos ang naging pasaring ni Dennis Trillo
at ang naging panayam ni Patrick Garcia kay
Ogie Diaz, hindi direktang sumagot si Nikka
Garcia (asawa ni Patrick) sa mismong sinabi
ni Dennis, ngunit nagpakita siya ng buong
suporta para sa kanyang asawa.
Sa kanyang Instagram Stories, nag-repost si
Nikka ng isang makahulugang quote na
nagsasabing:
"I won in this life. I fell in love
with a good man and I'll never
stop being grateful for that. A
self-made man. A hardworking
man. A gentle man and safe
man. A man who takes care of
me in all the ways that matter."
Dugtong pa niya sa kanyang post, nag-iwan
siya ng maikling mensahe para kay Patrick:
"Lavyew " kasabay ng
pag-upload ng larawan ng kanilang buong
pamilya. Sa pamamagitan nito, ipinahiwatig ni
Nikka na nananatili siyang tapat at proud sa
kanyang asawa sa gitna ng isyu.