10/04/2026
📢 PAALALA PO SA LAHAT NG CUSTOMERS ❣️
May mga nagtatanong at minsan nagdududa tungkol sa imported (frozen) meat vs fresh meat, kaya gusto ko lang po magbigay ng tamang impormasyon 😊
Hindi po basehan ang “fresh” o “frozen” para masabing mas ligtas o mas maganda ang karne.
👉 Ang mas importante po ay: ✔️ Saan nanggaling ang karne
✔️ Paano ito hinandle
✔️ Kung ito ay dumaan sa tamang inspeksyon
Sa Pilipinas, ang karne ay dapat dumaan sa National Meat Inspection Service (NMIS)
✔️ May tatak / mark
✔️ Na-check ng veterinary
✔️ Dumaan sa maayos na proseso
⚠️ May mga pagkakataon po na:
Kahit “fresh” pero galing sa hindi accredited na katayan (backyard), hindi po sigurado ang kaligtasan
Samantalang ang frozen/imported meat, dumadaan sa mahigpit na proseso at maraming inspection bago makarating sa market
Ganun din po sa handling:
❌ Kahit fresh pero nakabuyangyang, nalalangawan, o exposed sa alikabok
❌ Kahit frozen pero natunaw at hindi na tama ang storage
👉 Pareho pong delikado kung mali ang pag-handle (cross contamination)
Bilang isang nanay at negosyante, responsibilidad ko pong siguraduhin na ang produktong binebenta ko ay: ✔️ Galing sa trusted at accredited source
✔️ Maayos ang storage (tamang lamig)
✔️ Ligtas para sa pamilya, lalo na sa mga bata
💡 Lagi po nating tandaan:
Hindi po lahat ng “fresh” ay safe, at hindi rin po lahat ng “frozen” ay mababa ang kalidad.
Nasa tamang pinanggalingan at maayos na proseso po yan 🤝
Iba po Ang wais na may alam🤗
By:chef supplier meatshop