17/02/2026
From One Cart to a Franchise Legacy
(2006–2026 | 20 Years of Grit & Growth)
Hindi lang basta negosyo ang Siomai King—isa itong kwento ng pangarap na sinimulan sa maliit, pinalaki sa tiyaga, at pinatatag ng paniniwala.
Taong 2006, dalawang magkaibigan ang naglakas-loob mangarap. Walang pangalan. Walang kasiguraduhan. Isang food cart lang, araw-araw na sipag, at paniniwalang kakayanin.
Habang dahan-dahang lumalago ang negosyo, hindi lang carts ang nadagdag—pati sistema. Mula sa iisang pwesto, naging daan-daan, hanggang libo-libong branches sa iba’t ibang lugar. Naitayo ang sariling commissary, nag-invest sa makinarya, at inayos ang supply chain—lahat para masigurong pare-pareho ang kalidad at tuloy-tuloy ang operasyon.
Pero higit sa bilang ng branches, mas mahalaga ang bilang ng buhay na nabago. Mas maraming pamilyang nagkaroon ng kabuhayan. Mas maraming ordinaryong tao ang nabigyan ng pagkakataong magnegosyo at mangarap nang mas malaki.
Hindi ito kwento ng biglaang tagumpay.
Ito ay kwento ng 20 taong pagtitiyaga, disiplina, at tuloy-tuloy na pag-angat.
2026 marks two decades of real work, real growth, and real impact.
From one cart, to a growing community of entrepreneurs.
Respeto sa pinagdaanan. Kilalanin ang kwento. 💛