Jessa Ban-Malani

Jessa Ban-Malani Powered by coffee, sustained by God’s grace.

Hindi porket may negosyo ako, kailangan ko nang maging everywhere, kilala lahat, at laging present sa lahat ng ganap.Int...
08/04/2026

Hindi porket may negosyo ako, kailangan ko nang maging everywhere, kilala lahat, at laging present sa lahat ng ganap.

Introvert ako. At hindi ‘yon weakness, style ko ‘yon. 😅

People keep saying, “Dapat lumalabas ka, dapat kilala mo si ganito, dapat ganito, dapat ganyan 😳..
Pero I realized… hindi lahat ng growth kailangan maingay.

I can build quietly.
I can connect selectively.
I can grow without draining myself.

Business is important, but so is my peace.
Hindi ko kailangang isakripisyo ang sarili ko para lang ma-fit sa expectation ng iba.

At the end of the day, I’m not just building my business …
I’m protecting the person behind it.

04/04/2026

Okay lang tikman … huwag lang parang may ambag sa puhunan 😳

Fixing My Own Kalat, Feeling My Own Sentiment ☺️Minsan nakatitig lang ako sa office ko… ang gulo.Tambak na papel, gamit ...
03/04/2026

Fixing My Own Kalat, Feeling My Own Sentiment ☺️

Minsan nakatitig lang ako sa office ko… ang gulo.
Tambak na papel, gamit kung saan-saan, parang lahat nagsasabing “ayusin mo na kami.” 😅

Pero tinatamad ako.

Sabi ko sa sarili ko, “Mamaya na… bukas na lang… wala naman makakakita.”

Hanggang sa napaupo ako sandali. Tahimik.
Tapos biglang pumasok yung thought na hindi ko inaasahan…

“Dati… wala nga akong office.”

Dati, kung saan may bakanteng sulok, dun ako.
Minsan sa gilid ng café, minsan sa table na kailangan ko pang i-vacate pag may customer.
Walang sariling space. Walang sariling gulo… kasi wala namang sarili.

Ngayon?
May office na ako… may kalat na ako. ☺️

Biglang natawa ako. (paano yong tawa? 😂😂)

Yung kinatatamaran kong ayusin…
pinagdasal ko lang dati na magkaroon.

Kaya tumayo ako. 🤭

Hindi dahil sinipag ako…
kundi dahil naalala ko kung saan ako nagsimula.

Minsan, hindi ka pala tinatamad…
nakakalimot ka lang maging grateful.

Nakakalimot ka na yung “problema” mo ngayon,
dating pangarap mo lang.

At minsan, hindi mo kailangan ng motivation para kumilos
kailangan mo lang maalala kung gaano kalayo na yung narating mo.

Kaya in the end, naglinis ako.
Hindi perfect… pero enough.

Kasi this time, hindi ko na siya tinitingnan as “kalat”

kundi proof na may buhay na akong inaayos. ❤️
Thank you Lord. 🙏🏻

thank you competitors 🫡
02/04/2026

thank you competitors 🫡

31/03/2026

Keep It Fun, Keep It Kind 🙂

30/03/2026

Since I have a knee injury but still love the taste of pure coffee and need my calcium too, pwede pa rin 😅

One cup of Americano for that bold coffee hit, and another cup of milk on the side 🤭

Ang mahal ng gas.Ang mahal ng diesel.Araw-araw mo naririnig,reklamo ng lahat“Grabe na presyo ngayon…”At ikaw?Tahimik lan...
30/03/2026

Ang mahal ng gas.
Ang mahal ng diesel.

Araw-araw mo naririnig,
reklamo ng lahat
“Grabe na presyo ngayon…”
At ikaw?

Tahimik lang.
Pero kanina…
nagpa-full tank ka pa rin. 😌

Habang tumatakbo yung metro,
parang bawat dagdag
may kasamang kirot. 😭

Hindi ka na nagko-compute…
kasi alam mong masasaktan ka lang lalo. 😂

Dati,
pag nagpa-full tank ka,
parang achievement.

Ngayon?
Parang responsibility na kailangan mong lunukin. 😓

Hindi ka na excited.
Hindi ka na proud.

Pero ginagawa mo pa rin.

Kasi alam mo
hindi pwedeng huminto.

Hindi pwedeng “next time na lang.”

May negosyo kang kailangan puntahan.
May mga taong umaasa.
May araw na kailangan mong harapin.

Ganun pala ang adulting no?

Hindi na lahat ng ginagawa mo,
gusto mo.

Pero ginagawa mo pa rin
kasi kailangan.

At minsan,
yung pinaka-tahimik na sacrifices mo…

yung walang nakakakita
yun yung pinaka-mabigat.

Pero yun din yung dahilan
kung bakit tuloy-tuloy ka.

Hindi ka lang basta nagpa-full tank…
nag-ready ka para sa laban bukas. 🙂

Dati pag kumakain ako sa labas, simple langorder, kain, enjoy. 😊Ngayon?Hindi na pwedeng ganun. 😅Napapansin ko na lahatyu...
29/03/2026

Dati pag kumakain ako sa labas, simple lang
order, kain, enjoy. 😊

Ngayon?
Hindi na pwedeng ganun. 😅

Napapansin ko na lahat
yung plating, bilis ng service, lasa ng kape, even yung smile ng staff.

Minsan imbes na mag-relax…
parang nagfi-field trip utak ko. 😅

“Ah ganito nila i-present…”
“Pwede ko ‘to i-apply sa Afar…”
“Oy ang ganda ng customer service nila ah…”

Adulting hits different when you own a business.

Hindi ka na lang customer
lagi ka nang student.

And honestly?
Kahit gusto mo lang magpahinga…

your business mind never clocks out. 😌

Dati, gustong-gusto ko yung tahimik.Yung tipong ako lang mag-isa, walang istorbo, walang ingay na parang ang peaceful ng...
29/03/2026

Dati, gustong-gusto ko yung tahimik.
Yung tipong ako lang mag-isa, walang istorbo, walang ingay na parang ang peaceful ng mundo.

Pero ngayon… iba na. 😣

Ngayon, pag tahimik, ang lakas na ng ingay sa utak ko.
Bills. Responsibilities. Mga “kaya ko ba ‘to?” moments.
Yung mga pangarap na dati ang gaan dalhin, ngayon parang may kasamang pressure.

Dati, solitude felt like rest.
Ngayon, it feels like reality catching up.🥺

Namimiss ko yung dating ako
yung kaya matuwa sa simple things,
yung hindi inooverthink bawat galaw sa buhay.

Kasi ngayon, kahit tahimik sa paligid…
ang bigat sa loob.

Siguro ganito talaga ang adulting.
Hindi ka na takot sa ingay ng mundo
mas natatakot ka na sa katahimikan…
kasi doon mo naririnig lahat ng hindi mo masagot.

Pero kahit ganun, tuloy pa rin.
Kasi kahit hindi na comforting ang silence…
pinipili mo pa rin bumangon, lumaban, at magpatuloy.

There was a time na parang ako lang at yung coffee machine ang magka-team sa Afar Cafe.Hindi ko siya pinapagalaw kahit k...
25/03/2026

There was a time na parang ako lang at yung coffee machine ang magka-team sa Afar Cafe.

Hindi ko siya pinapagalaw kahit kanino. Lahat ng orders, ako. From first cup hanggang last. Kahit pagod, kahit hilo na sa amoy ng kape, tuloy lang. Parang naging comfort ko na rin, na ako lang ang may alam, ako lang ang may kontrol. (ay feeling 😂)

Pero one day, tinamaan ako ng realization.

Hindi pwedeng ako lang.

Hindi pwedeng umiikot lang ang café sa kung anong kaya kong gawin mag-isa. Kasi paano na kapag wala ako? Paano na kung gusto kong huminga kahit saglit?

Doon nagsimula.

Unti-unti ko silang tinuruan. Paano galawin yung machine, paano timplahin ng tama, paano alagaan yung bawat cup na nilalabas namin. Hindi naging madali, oo. May kaba, may doubt, may moments na gusto kong bawiin at ako nalang ulit gumawa.

Pero pinili kong magtiwala.

At ngayon? Sila na.

Sila na yung gumagawa ng 10, 20, hanggang umaabot ng daan-daang cups of coffee. Sila na yung bumubuhay sa galaw ng café kahit wala ako sa likod ng machine.

And today, paggising ko, iba na naman.

Bigla ko na namang naisip… gusto ko naman maging baker.

Gusto ko bumili ng oven. Gusto ko mag-bake ng cookies. Gusto ko mag amoy harina at mantikilya naman ang café, hindi lang kape.

Ganito siguro talaga pag business owner.

Hindi natutulog ang utak. Lahat ng ideas, gusto mong subukan. Lahat ng pangarap, gusto mong buuin.

Nakakapagod… pero ang saya.

Hindi na to negative sentiment, positive na to ☺️

Ang sarap makita yung ibang small business owners na nagsisimula, lumalaban, at unti-unting umaangat. Parang bawat success nila, success din nating lahat.

Sana lahat tayo magtagumpay.

Hindi man sabay-sabay, hindi man pare-pareho ng timeline… pero darating din tayo doon.

“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”
- Jeremiah 29:11

Let’s keep believing in our dreams. ☕

Address

Baguio City
2600

Telephone

+639564122105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jessa Ban-Malani posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Jessa Ban-Malani:

Share