14/12/2025
“𝗔𝗻𝗴 𝗱𝗮𝘆𝗮 𝗠𝗼, 𝗟𝗼𝗿𝗱.”
Yan yung nasabi ko isang araw.
Hindi pasigaw.
Hindi rin padabog.
Parang pagod na bulong lang ng pusong mabigat na.
Kasi Lord,
napansin ko—
kung sino pa yung laging lumalapit sa’Yo,
sila pa yung parang laging tinatamaan.
Kung sino pa yung willing magpagamit,
sila pa yung madalas ma-reject.
Kung sino pa yung nagtitiwala,
sila pa yung laging sinusubok.
Ang unfair.
Ang sakit.
Ang bigat.
Parang si Job.
Matino. Tapat. May takot sa Diyos.
Pero nawala ang lahat—
pamilya, ari-arian, kalusugan.
At ang tanong niya?
“Bakit?”
Parang si David.
Pinili. Pinangakuan.
Pero dumaan muna sa pagtatago,
pagtataksil, at matagal na paghihintay.
Umiiyak siya at nagsabing:
“Hanggang kailan, Panginoon?” (Psalm 13:1)
At minsan, parang ako rin.
Ginagawa ko naman ang kaya ko.
Nagdarasal.
Naghihintay.
Nagtitiwala.
Pero bakit parang mas humihirap kapag mas lumalapit?
Siguro hindi dahil pinapabayaan tayo.
Siguro hindi dahil unfair ang Diyos.
Siguro dahil ang mga taong malapit sa Kanya,
sila yung hinuhubog—hindi lang para sa sagot,
kundi para sa lalim.
Dahil may mga panalangin na hindi agad sinasagot,
pero may pusong tahimik na binabago.
At tulad ng sinabi ni Pablo:
“We rejoice in our sufferings, because suffering produces perseverance; perseverance, character; and character, hope.”
(Romans 5:3–4)
Hindi ibig sabihin nun na hindi masakit.
Masakit pa rin.
At okay lang umiyak.
Okay lang magtanong.
Okay lang sabihin:
“Lord, hindi ko na kaya.”
Dahil ang Diyos na sinasamba natin sa tuwa,
Siya rin ang Diyos na kayang salubungin
ang galit, pagod, at luha natin.
At sigurado ako—
hindi Niya sinasayang ang sakit ng mga taong tapat sa Kanya.