Rhosel Food Products

Rhosel Food Products We sell different food products such as frozen foods, desserts and many more.

18/02/2026

POST FOR AWARENESS

Patagal nang patagal…
pabulok nang pabulok ang sistema sa Pilipinas.

Yung mga gustong maghanapbuhay,
pinapahirapan sa requirements.
Pinapahirapan sa buwis.
Pinapahirapan sa penalties.
Kapag nagkulang ka — kulong.
Kapag na-late ka — may multa.
Kapag nalugi ka — problema mo ‘yan.

Samantalang may mga tambay na may ayuda.
May sustento.
Hindi pagod.
Hindi puyat.

Hindi ko sinasabing masama ang tumulong sa mahihirap.
Kailangan ‘yan.

Pero sana…

huwag namang parang kasalanan ang magsikap.

Ang maliliit na negosyante —
hindi kriminal.
Hindi kalaban ng gobyerno.
Hindi kalaban ng bayan.
Kami ang nagbibigay trabaho.
Kami ang nagbabayad ng renta.
Kami ang bumubuhay ng pamilya.
Kami ang nagbabayad ng buwis kahit masakit.
Dugo at pawis ang puhunan namin.
Hindi ayuda.
Kung may dapat tulungan,
‘yung mga lumalaban din sana ng patas.

Hindi lang ayuda ang kailangan ng negosyante —
kundi gabay, malinaw na sistema,
at patas na pagpapatupad ng batas.

Hindi kami umaasa sa libre.
Ang gusto lang namin:
huwag pahirapan ang gustong umasenso.

Sa dulo, hindi kami titigil.
Kahit pabulok ang sistema,
lalaban pa rin kami ng patas.

Kapag sinabi ng isang nanay na pagod siya, yun lang ang ibig niyang sabihin. Hindi niya sinasabing gusto niyang kalimuta...
26/04/2024

Kapag sinabi ng isang nanay na pagod siya, yun lang ang ibig niyang sabihin. Hindi niya sinasabing gusto niyang kalimutan na mayroon siyang anak.

Kapag sinabi ng isang nanay na gusto niya ng oras para sa sarili, yun lang ang ibig niyang sabihin. Hindi niya sinasabing nagsisisi siya na maging isang ina at hindi rin niya sinasabing isa yung kamalian sa buhay niya.

Kapag sinabi ng isang ina na kailangan niya ng tulong para matapos ang mga kailangang gawin, yun lang ang ibig niyang sabihin. Hindi niya sinasabing hindi niya kaya.

Kapag ang isang nanay ay nagluto ng noodles sa hapunan, hindi ibig sabihin na noodles lang ang niluluto niya araw araw at hindi ito nangangahuluhang hindi alam ng anak niya ang gulay at karne.

Kapag pumunta ka sa bahay ng isang ina at nadatnan mong hindi maayos ang bahay, hindi ibig sabihin na magulo ito araw araw.

Kapag sinabi ng isang nanay na gusto niyang lumabas kasama ng mga kaibigan niya, yun lang ang ibig niyang sabihin. Ayaw niyang bumalik sa pagiging "single/ hindi isang ina" na para bang gustong gusto niyang wala siyang responsibilidad.

Kapag sinabi ng isang nanay na nag-aalala siya at natatakot, yun lang ang ibig niyang sabihin. Hindi niya sinasabing susuko siya o kaya ay duwag siya.

Kapag narinig mo ang isang nanay na sumisigaw, hindi ibig sabihin na basta lang siya sumisigaw. Marahil ay nagsalita na siya nang malumanay ng maraming beses na pa ulit-ulit.

Kapag nakakita ka ng ninenerbyos o nag-aalalang nanay na tipong papunta na sa kabaliwan, hindi ibig sabihin na ganon siya araw-araw.

Mayroong isang buong konteksto, isang buong sitwasyon.

Huwag tayong magtatahi ng kwento o mag-iimbento ng kasinungalingan para lang manghusga ng kapwa lalo na sa isang ina na araw araw at oras oras ay isinasantabi ang pansariling buhay at kaligayahan para sa isang tao na alam niyang mas mahalaga kaysa sa kanya --- ANG KANYANG ANAK.

Sa mundo, walang sinoman ang kayang gawin yun maliban sa isang ina. Mga ina na nararapat lamang intindihin at pakamahalin. ✍️💖

***
Kapag nanay ka, minsan talaga mami-misinterpret ka ng iba basta magpatuloy ka lang, huwag mong intindihin ang sasabihin nila basta ang alam mo, mahal mo ang mga anak mo at 'yun ang pinakamahalaga ❤

From the original post of:
Charity Beth

06/04/2024

Address

M. Del Rosario Longos Pulilan
Bulacan
3005

Opening Hours

Monday 8am - 10pm
Tuesday 8am - 10pm
Wednesday 8am - 10pm
Thursday 8am - 10pm
Friday 8am - 10pm
Saturday 8am - 10pm
Sunday 8am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rhosel Food Products posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share