12/02/2026
Kapag Manganganak ang Baka
Kung may alaga kang baka at ito ay manganganak, may posibilidad na kailangan niya ng tulong. Kahit tama ang pagpili ng toro, tama ang pakain, at may maayos na mineral program, puwede pa ring magkaroon ng problema.
Maaaring:
• Masyadong malaki ang guya.
• Hindi tama ang hugis ng guya.
• Kulang o sobra ang pakain.
• Hindi nakakain o hindi naa-absorb ng baka ang mineral.
Sa oras ng panganganak, hindi na mahalaga kung bakit nangyari ang problema. Ang mahalaga ay matulungan agad ang baka. Ang dahilan ay puwedeng pag-aralan bago ang susunod na breeding season.
Mga Yugto ng Panganganak
✅ Stage 1 – Paghahanda (hanggang 24 oras bago manganak)
• Pumupuwesto ang guya.
• Bumubuka ang cervix.
• Karaniwang mapapansin sa huling 2–6 oras.
• Mga senyales:
o Paikot-ikot
o Tayo-higa nang tayo-higa
o Lumalayo sa ibang baka
o Nakikialam sa bagong silang na guya ng iba
Kung mukhang nasa Stage 1 nang 4–6 oras, mabuting suriin na.
✅ Stage 2 – Paglabas ng guya
Ito ang mismong paglabas ng guya.
⏰ Hindi ito dapat tumagal nang matagal.
• Baka: 30–45 minuto
• Dalagang baka (heifer): 60–90 minuto
• Mula sa pagputok ng panubigan (water bag), 1.5 oras lang maximum
Kung walang malinaw na pag-usad kada 15–30 minuto, maaaring kailangan na ng tulong.
Halimbawa:
• Nakikita ang paa at ilong pero hindi lumalabas ang ulo matapos ang 30 minuto → kailangan na ng tulong.
✅ Stage 3 – Paglabas ng inunan (placenta)
Kapag Kailangan ng Tulong
1. Itali o pigilan ang baka
• Kailangan hindi siya makakatakas.
• Maaaring gumamit ng lubid na may halter.
• Huwag basta itali lang sa leeg dahil puwedeng masakal.
• Para ito sa kaligtasan ng tao, baka, at guya.
2. Ihanda ang mga gamit
• OB gloves
• Tubig at Betadine
• Kadena o strap para sa paa ng guya
• Calf puller (panghila ng guya)
• Snare
3. Suriin ang loob
• Magsuot ng gloves.
• Linisin muna.
• Ipasok ang kamay sa puwerta ng baka.
Suriin kung:
• Fully dilated na ba?
o Kung parang may masikip na goma sa loob, hindi pa siya handa.
o Kung hindi maramdaman ang guya, hindi pa siya bukas.
4. Tamang posisyon ng guya
✔ Normal na posisyon (una ang ulo):
• 2 paa (nakaharap pababa ang talampakan)
• May ilong
✔ Baliktad (paa muna):
• 2 paa (nakaharap pataas ang talampakan)
• May buntot
• Nakapasok pababa ang buntot sa pagitan ng hita
❗ Dapat may:
• 2 paa at ilong
O
• 2 paa at buntot
Hindi puwedeng kulang o nakatagilid.
Kapag Hihilahin ang Guya
Pagkabit ng kadena
• Ikabit sa itaas ng bukung-bukong (fetlock)
• Gumawa ng dalawang loop sa bawat paa para hindi mabali ang paa.
• Mas ligtas ang kadena kaysa sa tali o twine.
Sa Paghatak
• Humatak kapag umiiri ang baka.
• Huminto kapag hindi siya umiiri.
• Kung mahirap, salitan ang paghila sa bawat paa (“walking” method).
👉 Kung dalawang malalaking lalaki ay hindi kayang hilahin, baka masyadong malaki ang guya.
Kung Ulo ang Nauuna (Normal Position)
• Walang masyadong pagmamadali kung hindi pa matagal ang pag-iri.
• Kapag nakalabas na ang tadyang (rib cage), saka siya makahihinga.
• Maaaring magpahinga sandali kung mahirap ang hatak.
• Hilahin pababa kung nakatayo ang baka.
• Puwedeng paikutin nang kalahating ikot para mas madaling lumabas ang balakang.
Kung Paa ang Nauuna (Baliktad)
⚠️ Mas delikado ito.
• Maghintay hanggang lumabas ang balakang.
• Kapag lumabas na ang balakang, bilisan ang paghila.
• Naiipit na kasi ang pusod at napuputol ang supply ng hangin.
• Hilahin diretso palabas (huwag pababa).
Dito malaking tulong ang calf puller.
Pagkatapos Mailabas ang Guya
✔ Siguraduhing humihinga.
Kung hindi:
• Kuskusin ang katawan
• Lagyan ng dayami ang ilong
• Lagyan ng malamig na tubig ang tenga
• Kung kailangan, i-resuscitate
✔ Kung mahina ang guya:
• Iupo sa tamang posisyon (Recovery position)
• HUWAG isabit patiwarik.
✔ Hayaan ang ina na dilaan ang guya — malaking tulong ito para lumakas.