Untoy's vlog

Website

Untoy's vlog FOLLOW AND LIKE♥️
(1)

23/09/2026

Tama na! Sobrang nakakagalit na! Hindi na tama ito!😤😠

Nakakagalit na ang lupang pinaghirapan mo ng ilang taon na nag bibigay ng pagkain at kabuhayan sa mga magsasaka ay tinitignan na para bang walang palay na nakatanim dito para tayuan ng anong proyekto man yan!

Hindi ito basta lupa lamang. Pinagpapawisan ito. Pinaghihirapan. Pinagkukunan ito ng pagkain at higit sa lahat gumigising ng madaling araw ang mga mag sasaka para magsaka sa kanikanilang bukid.

At sasabihin ng ibang tao kaunlaran pa iyon KAUNLARAN seryoso ba kayo?🤨 Kaunlaran ba na sirain ang taniman na mag sasaka na dahilan ng pag unlad ng ating ekonomiya? KAUNLARAN ba iyon? Hindi lahat ng pagpapatayo ay pag unlad!

Hindi pag-unlad ang pagkuha ng lupang nagbibigay-buhay para lamang palitan ito ng semento. Hindi pag-unlad ang pagtatayo kung kapalit nito ay magsasakang mawawalan ng hanapbuhay at pamilyang mawawalan ng pagkakakitaan.

Paano pag nawalan ng taniman at tahanan ang mga tao dito, saan nyo kami papatirahin? Sa lupang kapalit nito na kahit bahay ay wala? Saan nyo kami papatulugin? Sa tulda? Miski pag tutulugan ni wala nga! Sa tingin nyo! Kasya ba yang ibibigay nyong pera kapalit lamang ng katagal tagal namin dito, HINDI! hinding hindi mapapaltan ng pera ang pamumuhay namin dito! Tandaan nyo yan!

Hindi kami mananahimik lang at hindi kami matatakot kahit milyon milyon ang pera ninyo.

Ipinaglalaban namin ang lupang ito dahil may hanapbuhay at pamamahay na nakataya dito!
Hindi namin kailangan ng kaunlaran, kung ang kapalit naman ay gutom.

Hindi namin kailangan ng mga gusaling maganda sa paningin kung ang sisirain naman ay pangkabuhayan ang palayan ng mga mag sasaka.

At kung may mali sa ginagawa, hindi namin kailangang manahimik para lang maging komportable ang mga gumagawa nito, gagawa at ipaglalaban namin kung ano ang mag makakabuti sa pangkabuhayan at bahayan dito.

Maaari ninyong tawagin itong proyekto. Maaari ninyong tawagin itong pag-unlad. Pero hindi ninyo mababago ang katotohanang may mga taong mawawalan kapag nawala ang lupang ito.

Kaya kami? Ipaglalaban namin yan! Magsasalita kami. At hindi namin hahayaang madaling makalimutan kung sino ang nagsasaka, sino ang kumikita, at sino ang mawawalan.😒😤

Hindi lahat ng lupa ay dapat gawing semento. May lupang dapat manatiling buhay dahil may mga taong nabubuhay dahil dito.

Ang lupang ito ay hindi lamang isang bakanteng lote na maaaring tayuan ng anumang gusali. Ito ay lupang pinagtatrabahuhan, sinasaka, at pinanggagalingan ng pagkain at kabuhayan ng mga Pilipino.

HINDI BA KAYO NAGAGALIT!!😠

📍Oriental Mindoro Guinobatan Calapan city

(Panoorin nyo ang video) nananawagan kami sainyo! Tulungan ninyo kami! Hindi lang lupa pinaglalaban namin dito, pati narin ang mga taong nakatira dito!

Share this video ng makita naman nila!
゚

22/09/2026

22/09/2026

I got over 100 reactions on one of my posts last week! Thanks everyone for your support! 🎉

Birthday celebration ng aming baby elyza joy, ang saya naman ng baby namin e at talagang may pahabol gift pa ang kaniyan...
22/09/2026

Birthday celebration ng aming baby elyza joy, ang saya naman ng baby namin e at talagang may pahabol gift pa ang kaniyang daddy, mahal na mahal ka namin HAPPYY BIRTHDAYYY!😍💗
゚

Ipaglaban ang karapatan ng mga taga guinobatan!!!💪😕
21/09/2026

Ipaglaban ang karapatan ng mga taga guinobatan!!!💪😕

19/09/2026

Luto po tayo ng adobo😍Keep watching the video to know how to cook abodonguntoys👌🤩
19/09/2026

Luto po tayo ng adobo😍
Keep watching the video to know how to cook abodonguntoys👌🤩

18/09/2026

Arayy mo,,,😜😜

Address

Calapan
5200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Untoy's vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share