27/09/2025
Alam mo yung feeling na kahit sobrang dami mong nagawa buong linggo, parang feeling mo hindi ka talaga naging productive?
I realize, na kapag buong linggo ako nag work at di ako nag dedicate ng rest day once a week yun pala yung starting ng burn out ko.
Kaya tuwing weekend—lalo na Sunday—parang required ko na talaga na magpahinga.
Hindi yung pahinga na half-half lang, na may email ka pang chinecheck o may ginagawa ka pang side task. As in legit na pahinga.
Kasi pag wala akong isang araw na ganon, parang yung buong week ko, kahit gaano ka-productive, hindi kumpleto.
Parang may utang ako sa sarili ko.
And the worst part, yung darating na week, hindi ako excited, hindi ako masaya.
Ngayon, I take my Sundays seriously.
Kape, kwento, tulog, series… kahit ano, basta hindi work.
And guess what? Pagdating ng Monday, ang gaan ng pakiramdam.
Parang mas may gana akong harapin lahat kasi alam kong binigyan ko yung sarili ko ng space to breathe.
Sometimes, productivity isn’t about doing more.
It’s also about knowing when to pause.