03/06/2026
“Hindi ko akalain na magiging ganito ako ka-adik sa paghabol ng progress.”
Nagsimula lang naman ako tumakbo para pumayat.
Yung unang 1KM ko, parang gusto ko nang umuwi. Umabot pa yata ng 12 minutes bago matapos. Tapos yung una kong half marathon, halos 4 hours. Noon, ang goal ko lang talaga ay magbawas ng timbang.
Pero habang tumatagal, may nagbago.
Hindi na lang pala tungkol sa timbang.
Naging tungkol na siya sa pagpapatunay sa sarili ko na kaya ko pa palang gumawa ng mahihirap na bagay.
Sa negosyo, gusto natin lumaki.
Sa buhay, gusto natin umasenso.
Sa pananampalataya, gusto natin mas lumalim.
Pero minsan nakakalimutan natin na kailangan din palang i-invest ang oras sa katawan natin.
Ngayon, nandito ako sa isa sa pinakamahirap na running routes sa Pilipinas, humahabol ng bagong Half Marathon PR.
At sa totoo lang, mas masaya pa minsan habulin ang sariling record kaysa ikumpara ang sarili sa ibang tao.
Kasi ang tunay na kalaban ko hindi yung nasa unahan.
Yung kalaban ko yung dating ako na madaling sumuko.
Kung may natutunan man ako sa running, ito yun:
Hindi mo kailangang maging magaling sa simula.
Kailangan mo lang huwag tumigil.🏃♂️👨🍳
The person you want to become is built by the things you repeatedly choose to do, especially on the days you don’t feel like doing them.