26/05/2026
Thanks God for my hubby's journey
𝐍𝐞𝐰𝐬 𝐑𝐞𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 | National Fisherfolk Director Dario Pedong Nagpahayag ng Pasasalamat sa BFAR‑SAAD
“Sa SAAD, ang mga pangako ay tinutupad—maraming salamat po.”
Ito ang taos‑pusong pahayag ng kasalukuyang National Fisherfolk Director, Mr. Dario M. Pedong, nang bumisita siya kahapon sa opisina ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Special Area for Agricultural Development (BFAR‑SAAD) upang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa ahensya, na naging mahalagang katuwang sa kanilang paglalakbay tungo sa mas maunlad na pamumuhay.
Si Mr. Pedong ay benepisyaryo ng BFAR‑SAAD Program Phase II at kasalukuyang nagsisilbing Presidente ng Hinablan Farmers and Fishermen’s Association (HiFaFiSa) sa Central Visayas.
Noong Mayo 4, 2026, siya ay nanumpa bilang National Fisherfolk Director sa isinagawang Mangingisdang Direktor Turnover Ceremony sa BFAR Central Office, Quezon City. Ang naturang seremonya ang nagsilbing opisyal na pagbubukas ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda 2026.
Sa patuloy na paglalakbay ng sektor ng pangisdaan, nananatiling katuwang ang BFAR‑SAAD Program sa pagtupad ng pangako ng mas maunlad na buhay para sa mga mangingisda. Pangunahing layunin ng programa na ihatid ang mga benepisyaryong mangingisda tungo sa ganap na community‑based enterprises (CBEs).