Lola Bening's Food Products

Lola Bening's Food Products Hi I'm emelita we sell Atchara, Biko, Ginisang tuyo, and Laing.

19/12/2025
Sa tulong ng mga taong nag support at na niwala sa akin.kay mayor jenny at sa otop.sa pamumuno ni Sir Carlos  Legaspi. S...
11/12/2025

Sa tulong ng mga taong nag support at na niwala sa akin.kay mayor jenny at sa otop.sa pamumuno ni Sir Carlos Legaspi. Sa coop nag tuloy tuloy ang lola Bening's atchara Sana itong negosyo kong maliit. Ay makatulong din sa akin pag dating ng panahon.may awa ang diyos...🙏🙏🙏

Part 2 ng Journey ng lola Bening's atchara.nilabas ko na sa masa at pina DTI  ko na ang lola Bening's atchara.nung supor...
11/12/2025

Part 2 ng Journey ng lola Bening's atchara.nilabas ko na sa masa at pina DTI ko na ang lola Bening's atchara.nung suportahan kami ni mayor jenny Barzaga sa may malilit na business dito sa Dasma. May tulong puhunan at sa pag sali sa mga bazaar. Sobrang Pasalamat namin sa aming Butihing mayor kasi support nya kami.isa sa mga bazaar namin yung sa SM Pala pala.binigyan kami ng slot ng SM Pala pala sa tulong ni mayor jenny Barzaga. Doon sa bazaar nag papa free taste ko.gusto ko kasing malaman yung lasa ng lola Bening's atchara. Kung okay sa masa...okay naman mga comment at mataas naman binibigay nilang rate sa akin.isang araw may inalok ako...sabi ko sir free taste po atchara. Tinikman nya nagustuhan nya. Bumili sya...isang umaga nag aayos ako ng table para ilatag ko na ang paninda ko sa bazaar. May papalapit sa akin na lalake sabi nya ss akin.Natatandaan mo ba ako?minumukhaan ko sya pamilyar sya.pero di ko matandaan kasi sa dami ng tao sa mall.sabi ng lalake ako yung inalok mo ng free taste tapos bumili ako sayo.sabi ko ah...oo nga po bumili kayo sa akin.sabi nya yung binili ko sayo natikman ng Boss ko.kaya mo bang gumawa ng 1000 pouches ng atchara?sabi ko sir parang hindi ko po kaya mag isa.sabi nya bibigyan kita ng panahon para magawa mo yan.sabi ko sir di ko talaga kaya.kasi sir wala akong man power at yung mga ingredients minsan wala lalo na ang papaya di araw araw meron sa palengke.tapos sabi nya kahit 500 pouches. Sir sorry ayoko ko pong makompromiso.kasi business ito.kung kaya ko lang talaga I grab ko yung alok mo.takot kasi ako ma compromise. At talagang hindi ganoon kadali gumawa ng 1000 pouches na atchara. Kung walang machine at manpower. Kaya ayun
Sabi ng mga kasama ko sa bazaar
Naririnig nila yung pinag uusapan namin nung lalake. Bakit di mo gina grab.sayang yun ....sabi ko mahirap maka compromise lalo na sa business. Sabi ng kasamahan ko sana tayo tayo na lang ang gumawa.madami akong kuwento about story ng lola Bening's atchara maraming fail sa proseso sa packaging. Pero yun mga pag kakamali doon ka pala natuto.nagiging teacher ko pala ang mga experience ko sa maliit na negosyong ito.😃

Journey ko sa pag nenegosyo ng atchara. Matagal na Kong gumagawa ng atchara.kasi ang asawa ko mahilig sa sidedish. Pang ...
11/12/2025

Journey ko sa pag nenegosyo ng atchara. Matagal na Kong gumagawa ng atchara.kasi ang asawa ko mahilig sa sidedish. Pang alis umay ba.nakatuwaan minsan ilagay ko sa plastic .tapos nilabas ko sinubukan ko lang ibenta ayun nabili naman.on and off ako sa pag gawa.kasi di rin biro mag gawa ng atchara.mahirap palang mag gadgad.kala ko noon pag pinapanood ko si nanay Bening sobrang dali lang.hindi pala nakakapagod din.kaya pag may time ako saka lang ako gagawa at iaalok sa mga kaibigan ko.

Story about lola Bening's atchara. Maliit pa lang ako nakikita ko na si nanay Bening.lagi gumagawa ng atchara. Pero di k...
11/12/2025

Story about lola Bening's atchara.
Maliit pa lang ako nakikita ko na si nanay Bening.lagi gumagawa ng atchara. Pero di ko alam kung binebenta nya sa mga kaibigan at kapit bahay.basta lagi ko syang nakikita nag gagadgad ng papaya.bago sya gumawa ngpina atchara mag hahanap muna sya ng malaking lata. Tapos I pa flat nya ng martiryo yung lata. atsaka nya matiyaga nyang bubutasan ang lata sa pamamagitan ng pako at martiyo.pagkatopos noon lalagyan nya ng dalawang kahoy sa mag kabilang gilid.na aaliw ako pag pinapanood ko sya sa ginawa nya.pag gumagawa sya pinanonood ko kung pano gawin ang atchara.natutuwa ako kung pano nya gadgarin ang papaya.noon kasi walang tv.kaya parang sya lang pinapanood ko.may mga ate ako dalaga pa sila noon.pag may manliligaw sila. si nanay nasa pagitan nila.nag gagadgad ng papaya.nakasilip ako sa butas ng sahig noon.pinonood ko sya habang nasa gitna sya ng mga ate ko at mangliligaw nila.na aalala ko pa talaga noon.ito pala ang magiging maliit na negosyo ko sa kakanood ko sa kanya🤣kaya ipinangalan ko na lola Bening's atchara.

Lola Bening's atchara  at OTOP store SM Pala pala.
30/10/2025

Lola Bening's atchara at OTOP store SM Pala pala.

Lola Bening's atchara available at OTOP store.
30/10/2025

Lola Bening's atchara available at OTOP store.

30/10/2025

Bening's atchara available in OTOP STORE

Atchara and kimchi
13/06/2025

Atchara and kimchi

Address

BLK. 42 LOT 14
Dasmariñas
4115

Telephone

+639156075422

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lola Bening's Food Products posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Lola Bening's Food Products:

Share