30/06/2026
📢 MAHALAGANG PAUNAWA SA AMING MGA SUKI
Mapagpalang araw po sa inyong lahat!
Nais po naming ipabatid na ang aming Pet Supplies/Needs ay inilipat na sa aming kabilang tindahan, kung saan matatagpuan din ang aming Poultry Needs (pagkain at iba pang pangangailangan ng manok).
Pinag-isa na po namin ang dalawang seksyon upang maging mas madali, mas mabilis, at mas maginhawa ang inyong pamimili sa iisang lugar.
Inaasahan po namin ang inyong pag-unawa at patuloy na suporta.
Maraming salamat po at lagi po kayong mag-ingat! 🐶🐱🐔