14/09/2026
Nak, Ate… parang kailan lang. 🥺❤️ Ngayon, malapit mo na akong matangkaran! 😂 Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak kapag naiisip kong yung munting batang dati-rati ay karga-karga ko lang, ngayon ay unti-unti nang nagiging dalaga. 💁♀️🤷♀️
Dito rin natin unang nalaman na may sakit pala si Mama. 🥺 Yung panahon na dapat sana mas inalagaan ko ang sarili ko at nagpahinga, pero hindi puwedeng basta mag-inarte ta mahirap lang ang buhay, anak! 😂🤣 Kailangan kumayod, kailangan magtrabaho, kasi may magiging anak akong kailangang buhayin at ipaglaban. Kaya kahit pagod, kahit masama ang pakiramdam, kahit may mga araw na gusto na lang humiga ni Mama, kailangan bumangon at magpatuloy. 🤗💪
Sorry, anak, kung noong nasa sinapupunan pa lang kita, ang dami mo nang pinagdaanan kasama ni Mama. Sorry kung sa sobrang pagod at batak ni Mama sa trabaho noon, lumabas ka nang wala sa oras. Sorry kung naubusan ka ng tubig sa loob ng sinapupunan ko. Sorry kung kakalabas mo pa lang sa mundong ito, kinailangan mo nang maranasan na masudsod ang ilong mo dahil napuno ito ng dugo at parang sipon. 🥺 Sorry kung bagong silang ka pa lang pero kinailangan mo na agad ma-oxygen. At sorry, anak, kung habang inoopera si Mama, sinesermonan pa tayo ng doctor natin dahil manganganak ako nang wala sa oras, nag-labor pa ako kahit hindi sana pwede, at late pa tayong nakarating sa hospital. 😭🥺
Kapag binabalikan ko lahat ng iyon, hindi ko maiwasang maiyak. Pero bilib ako sayo kasi medyo chubby kang lumabas, anak. Ang dami mong pinagdaanan bago pa man kita mayakap nang mahigpit. Pero tingnan mo naman ngayon… may dalaga na talaga ako! 🥺❤️ Dalagang mana kay Mama na medyo boyish! 😂 Noon, nasusuotan pa kita ng mga girly na damit, naaayusan at nalalagyan pa kita ng mga kolorete. Aba, ngayon ayaw mo na! 😂🥺 May sarili ka nang gusto, sariling style, sariling personality at doon ko mas lalong nararamdaman na hindi na talaga ikaw yung maliit kong baby noon. 🥺
Parang kailan lang, anak… pero ang laki-laki mo na. 🥺 At mas nakakataba ng puso dahil habang lumalaki ka, nakikita kong lumalaki rin ang puso mo. Napakamaintindihin mo sa ading mo. Halos pareho kayo ng pinagdaanan noong maliliit pa kayo, pero ngayon, habang tinitingnan ko kayo ~ ang lalaki, ang lulusog, ang kukulit at ang lalakas niyo na. ❤️
Minsan gusto kong ibalik kahit saglit yung panahon na kasya pa kayong dalawa sa mga bisig ko. Pero alam kong hindi ko kayang pigilan ang oras. Kaya habang unti-unti kayong lumalaki, susulitin ko na lang ang bawat yakap, bawat tawag niyo ng “Mama,” bawat kulit, bawat lambing at bawat pagkakataong kailangan niyo pa ako. 🥺💪
Ate, kahit gaano ka pa katangkad, kahit maging dalaga ka na at dumating ang araw na magkaroon ka na ng sarili mong mundo, tandaan mo—sa mga mata ni Mama, ikaw pa rin yung munting batang ipinaglaban kong mailabas nang ligtas sa mundong ito. ❤️
Salamat, anak, dahil kinaya mo. Salamat dahil lumaban ka kasama ni Mama. At higit sa lahat, salamat dahil ~ heto ka ngayon - malaki, malusog, mabait at mapagmahal na Ate sa ading mo. 🥺❤️
Parang kailan lang… mga baby ko lang kayo. Ngayon, ako na yata ang kailangang humabol sa paglaki niyo. 😭😂❤️
Mahal na mahal kita Ate. Habang buhay. 🥰
-Mama Rhen 💕