12/04/2022
Mag iipon na ako kapag makabayad na ako ng utang.
Mag iipon na ako kapag tumaas na sahod/kita ko.
Mag iipon na ako kapag napromote na ako sa trabaho.
Mag iipon na ako kapag tapos na ang binabayaran ko.
Ilan lang yan sa madalas ko ng naririnig kapag nagseshare ako ng pag iipon at pag iinvest. Pero naisip mo ba, na hanggat hindi mo sinisimulan, lalong hindi ka makakapagsimula.
Sigurado ka ba na pagkatapos mo magbayad ng utang hindi ka na ulit mangungutang?
Hanggang kailan mo hihintayin tumaas ang sahod mo?Pano kung after 5-10 years pa,eh nasayang na naman ang ilang taon mo?
Paano na kapag imbes na mapromote ka sa trabaho eh tanggal pala ang aabutin mo?
Tandaan mo, maari mong ipagpaliban ang pagiipon mo pero hindi pwedeng ipagpaliban ang mga bayarin mo.
Alam mo kung anong problema?
Andami mo kasing excuses. Wala namang right time, dapat gawin mo na nalang.
Learn how to invest the right way.
Ctto: