17/08/2026
๐๐๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐๐ง๐ญ: ๐๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ค๐จ๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐๐ญ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐๐๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
SOCCSKSARGEN - Isinagawa ng Department of Agriculture Regional Field Office XII sa pamamagitan ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ang assessment activities sa tatlong Indigenous Peoples Organizations (IPOs) noong Agosto 11โ13, 2026.
Isinagawa ang aktibidad sa Yama Farmers Association, Demamis Coffee Farmers Association, at Malitubog IP Farmers Association bilang bahagi ng pagsukat sa antas ng pag-unlad at organizational capacity ng mga benepisyaryong IPO ng 4K Program.
Sinuri sa assessment ang mahahalagang aspeto ng organisasyon, kabilang ang Organizational Maturity, Farm Productivity and Income, Basic Social Services, at Gender and Development.
Layunin ng assessment na matukoy ang kasalukuyang kalagayan, mga pangangailangan, at mga angkop na intervention upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga IPO at maisulong ang kanilang socio-economic at political empowerment.
Ang resulta ng assessment ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng action plans at mga susunod na interventions ng programa para sa patuloy at napapanatiling pag-unlad ng mga Indigenous Peoples communities.