30/03/2026
Magandang Balita!
Lilipat na po tayo sa mas maganda at mas maayos na lokasyon! Mag SOFT OPENING na po tayo bukas Marso 31, 2026.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta sa loob ng dalawang dekada. Kayo po ang naging dahilan kung bakit kami tumagal at patuloy na lumalaban kahit na marami pong pagsubok. ❤️❤️
Sa aming paglipat, taos-puso po naming hinihiling na samahan ninyo pa rin kami sa bagong yugto ng aming kwento. Nandito lang po kami, handa pa ring maglingkod sa inyo nang buong puso.
Maraming salamat po, at magkita-kita po tayo sa bago naming tahanan! 🙏
📍59A Constantine st., cor A.Nosce, BFRV, Talon 2, Las Piñas
Katabi po ng Fuji-O Residences