11/09/2026
Ulam na, Gamot Pa! Alam Mo Ba Kung Gaano Kasustansya ang Bulaklak ng Kalabasa? Low-calorie pero siksik sa sustansya.
Ano ang meron sa 1 cup ng bulaklak ng kalabasa?
May Vitamin A, Vitamin C, Folate (B9), Calcium, Iron, Phosphorus, Potassium, at Fiber. Halos 90% tubig siya kaya magaan sa katawan.
7 Benefits na makukuha mo talaga:
1. Para sa Mata
Mataas sa Vitamin A at beta-carotene. Tumutulong para hindi madaling lumabo ang mata.
2. Para sa Dugo - Iwas Anemia
May Iron + Folate + Vitamin C. Yung Vitamin C tumutulong ma-absorb ng katawan yung Iron. Maganda to lalo na sa mga kababaihan at buntis.
3. Para sa Buto at Ngipin
May Calcium at Phosphorus. Pampatibay ng buto, hindi lang pang-bata.
4. Para sa Tiyan - Hindi Constipated
May fiber pero malambot. Madaling tunawin at tumutulong maging regular ang pagdumi.
5. Para sa Puso at Blood Pressure
Mababa sa sodium, mataas sa Potassium. Tumutulong i-balance ang alat sa katawan kaya nakakatulong sa normal na BP.
6. Pang-Diet at Pang-Control ng Asukal
Isang cup, mga 10-15 calories lang. Walang taba, mababa sa sugar, pero nakakabusog dahil sa fiber at tubig.
7. Pampalakas ng Resistensya
May Vitamin C at antioxidants na panlaban sa simpleng ubo, sipon at pamamaga.
Paalala lang:
Hugasan mabuti at lutuin. Alisin yung matigas na tangkay at yung pollen sa loob. Kung may allergy ka sa pollen o sa kalabasa mismo, tikman muna ng kaunti.