15/03/2025
Mabuhay Kawiteñios! Maayong gabi sa inyong tanan.
Unang una sa lahat kami'y lubos na nagpapasalamat sa panginoong diyos ama sa pag gabay sa amin nitong nagdaang araw, hindi biro ang pagsubok na aming dinanas bago kami'y tuluyang makahinga at masabi ngang ito'y natapos na. Natapos na ng kasiya-siya at labis-labis na tuwa ang aming nadama.
Kawitenios, kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyong suporta. Hindi namin makakamtan ang gantimpala kundi dahil sa inyo. Nawa ay pagdating ninyo sa hakbang na ito ay gaya namin wag din kayong susuko at gawin niyo lamang palagi ang lahat ng inyong makakaya. Dahil walang imposible kung kayo ay sama sama.
Matinding karanasan man ay aming naranasan, tipong araw araw sa bahay ng kaklase ang punta magawa lamang ang mga dapat gawin ngunit labis labis na tuwa pa din dahil sa dulo ay may maganda palang gantimpala para sa amin.
Ang HumssWeek ay natapos na, maari ng magpahinga ang bawat isa. Isang mainit na yakap para sa Dewey Donuts lalo na sa aming pinakamamahal na gurong tagapayo na walang sawang sumusuporta at gumagabay sa amin, walang iba kundi si Ma'am Jihnel Magnaye. Muli, Daghang salamat sa imong tanan Kawiteñios!