04/05/2026
Dati, akala ko…
men in uniform lang ang may pinakamabigat na trabaho.
Pero habang tumatanda ako, mas marami akong nakilala.
Mas marami akong kwento na narinig.
Guards.
Waiters.
Cashiers.
Massage therapists.
Construction workers.
Jeepney drivers.
TNVS drivers.
At alam mo kung anong common?
Pare-pareho silang may sinasakripisyo.
Nanay na kahit may maternity leave…
hindi sapat para palitan ang mga panahong hindi niya mababawi sa anak niya.
Tatay na hindi makaalis sa trabaho kahit may sakit ang anak o asawa.
Mga magulang na wala sa birthdays, sa milestones, sa simpleng hapunan.
Habang nagtatrabaho sila para mabuhay ang pamilya nila…
may mga parte ng buhay na hindi na nila mababalikan.
Hindi lang iisa ang “mahirap na trabaho.”
Lahat mahirap kapag may responsibilidad ka.
May mga kaibigan din ako—engineers, nasa medical field, nasa law—
at guess what?
Iba man ang sweldo… pero pare-pareho ang pagod.
At minsan, pare-pareho rin ang tahimik na sakripisyo na hindi nakikita.
So this is just a reminder:
Walang mas mataas. Walang mas lugi.
Iba-iba lang ng uniform… pero pare-parehong lumalaban.
Kaya kung may makasalubong kang pagod na tao,
huwag mong maliitin—baka buong pamilya ang dala niyang dahilan.
Happy Labor Day! 🌹
Again, better late than never ✌🏻
Respect every worker. 🙏🏻