20/07/2026
Official unlocked achievement na talaga ng pagiging TRENTAHIN na Tito/Tita ang healing your inner child.
Dati, kailangan mo pang maging good boy/girl at magtrabaho sa gawaing-bahay para lang makabili ng kahit isang piraso.
Sino bang hindi nakaranas maging official tagahugas ng plato, tagawalis, o tagasaing para lang makalimos ng barya sa magulang? Piso o limang piso man 'yan nung 90s at early 2000s, pakiramdam natin jackpot na tayo! Yung simpleng reward na 'yun, pambili na ng ice candy, Chocnut, o Chuckie na nakakakumpleto ng araw natin.
Ngayon Ito 'yung masarap na pakiramdam na nabibigyan natin 'yung bata nating sarili ng mga bagay na pangarap lang natin noon.
Na pagpasok mo ng grocery o online shopping app, kaya mo nang bilhin 'yung buong pack o box nang hindi humihingi ng permiso sa sinoman!
Sabi nga nila, “We are buying what we couldn’t afford, to make up for the kid who couldn’t have it.” Worth it bawat barya!
Looking back, bukod sa nostalgia, dito rin pala natin natutunan ang value of hard work. Tinuruan tayo ng disiplina at diskarte habang maaga.
Kaya ngayong may sarili na tayong pera (at sumasakit na ang likod), nakakatuwang alalahanin kung gaano tayo kadaling pasayahin noon gamit lang ang tiyaga at simpleng barya.