15/12/2023
-REPOSTED-
and Inclusion through Invest for Sustainable Agriculture
Hindi ba tumutubo ng mabuti ang iyong cacao? Kung may agam-agam ka sa kalidad ng iyong lupa, huwag mag-atubiling magpa-SOIL ANALYSIS! Ang Soil Analysis ay isa sa mga Environmentally Sustainable Agriculture Production (ESAP) practices na nire-rekomenda ng .
Ang tamang kaalaman sa iyong lupa ay susi sa masiglang paglago ng iyong taniman at masaganang ani!
Isa sa mga pakinabang ng soil analysis ay ang pagtukoy sa kakulangan o sobrang nutrients sa lupa, na makakatulong sa pag-adjust ng tamang pag-aalaga at pagbibigay ng tamang nutrients para sa masiglang paglago ng mga tanim.
Sa pamamagitan rin nito ay maaari mong malaman kung ang pH ng iyong lupa ay nasa tamang antas para sa optimal na paglago ng cacao.
Ang ilang sakit sa halaman ay maaaring sanhi ng hindi tama o hindi naaayon na kalidad ng lupa. Ang soil analysis ay makakatulong sa pagtukoy ng mga posibleng problema sa lupa na maaaring magdulot ng sakit sa cacao trees.
Sa kabuuan, ang soil analysis ay isang mahalagang hakbang sa pagsisiguro ng maayos na kalidad ng lupa para sa iyong cacao farm. Ito ay nagbibigay ng impormasyon upang magkaroon ng epektibong plano sa pag-aalaga at pamamahala ng iyong sakahan, na magdudulot ng mas magandang ani at kalidad ng produkto.