21/03/2026
Pag-uwi ni Mario
Labinlimang taon na nagtrabaho si Mario bilang OFW sa Abroad. Hindi naging madali ang bawat araw init ng disyerto, lungkot ng pagkakalayo sa pamilya, at pagod na halos hindi na maibsan. Ngunit tiniis niya ang lahat para sa isang pangarap: ang makapagpatayo ng sariling bahay at magkaroon ng maliit na negosyo.
Buwan-buwan, walang palya siyang nagpapadala ng pera sa kanyang asawa na si Liza. Buo ang tiwala niya rito. “Para sa kinabukasan natin ‘to,” lagi niyang sinasabi sa sarili.
Sa wakas, dumating ang araw ng kanyang pag-uwi. Bitbit ang saya at pag-asa, sabik niyang makita ang bunga ng kanyang sakripisyo. Ngunit pagdating niya sa kanilang lugar, tila gumuho ang mundo niya.
Ang bahay na inaasahan niyang nakatayo na, ay nanatiling pangarap. Ang perang pinaghirapan niya sa loob ng maraming taon, wala na.
Unti-unti niyang nalaman ang katotohanan. Nalul*ng pala sa sug*l si Liza. Sa una’y maliit lang, hanggang sa tuluyang naubos ang kanilang ipon. Nabaon pa ito sa utang.
Hindi makapagsalita si Mario. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi niya alam kung saan magsisimula.
Ngunit sa gitna ng sakit, pinili niyang bumangon. Hindi man madali, tinanggap niya ang realidad. Naghanap siya ng maliit na trabaho, nagsimulang muli kahit mahirap, kahit masakit.
Dahil para kay Mario, ang tunay na kayamanan ay hindi lang pera, kundi ang kakayahang muling tumayo matapos ang lahat.
Ano ang pwede nating maipayo kay kabayan na si “MARIO”