06/08/2026
๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฌ | Maaari bang magtakda ang LGU ng regulasyon sa liveweight ng baboy?
Oo. Sa ilalim ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code, partikular sa Section 16 (General Welfare Clause), may kapangyarihan ang mga Local Government Units (LGUs) na magpatupad ng mga polisiya at regulasyon na nagtataguyod ng kalusugan, kaligtasan, at pangkalahatang kapakanan ng kanilang nasasakupan, kabilang ang pagsusulong ng patas at maayos na kalakalan sa sektor ng agrikultura.
Ang makatarungang regulasyon sa liveweight pricing ng baboy ay makatutulong sa pagprotekta sa mga backyard hog raisers laban sa hindi patas na farmgate pricing, magbibigay ng mas makatarungang kita sa mga mag-aalaga ng baboy, at makatutulong din sa pagpapanatili ng matatag na presyo at sapat na suplay ng karne para sa mga mamimili. Sa huli, ang ganitong hakbang ay naglalayong palakasin ang lokal na industriya ng paghahayupan, tiyakin ang patas na kalakalan, at isulong ang seguridad sa pagkain at kaunlaran ng komunidad.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang advisory sa ibaba. ๐ฃ
โ
โ