Mhadz Delta First Vlog

Mhadz Delta First Vlog Live stock farming, entertainment and blogging

05/02/2025

PABATID SA PUBLIKO!!!

Ang Oriental Mindoro Police Provincial Office ay nagpapaalala sa publiko na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita tungkol sa umano’y insidente ng kidnapping o pangunguha ng bata sa Calapan City at iba pang bayan sa lalawigan.

Matapos ang masusing imbestigasyon at beripikasyon ng kapulisan, napatunayan na ang mga balitang ito ay walang basehan at pawang FAKE NEWS lamang.

Pinapayuhan ang lahat na:

✅ Huwag agad maniwala sa hindi mapagkakatiwalaang source ng impormasyon, lalo na sa social media.
✅ Iwasan ang pagpapakalat ng maling balita na maaaring magdulot ng takot at pagkalito sa ating komunidad.
✅ Ipagbigay-alam agad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad para sa agarang aksyon.

KAUKULANG PARUSA

Ang sinumang mahuling sadyang nagpapakalat ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng panic o takot sa publiko ay maaaring managot sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code (Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances), na may kaukulang parusa ng pagkakakulong mula isang buwan hanggang anim na buwan o multa na hindi lalagpas sa ₱200,000 alinsunod sa Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175) kung ito ay ginawa sa pamamagitan ng social media o iba pang online platforms.

Ang Oriental Mindoro PPO ay patuloy na nagbabantay at tumitiyak sa seguridad ng ating mga kababayan. Para sa anumang impormasyon o kaukulang impormasyon, makipag-ugnayan sa inyong pinakamalapit na istasyon ng pulisya.

Maraming Salamat.
(OrMin PPO - PIO)



Address

Pola Oriental Mindoro
Oriental Mindoro
5206

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mhadz Delta First Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mhadz Delta First Vlog:

Share

Category