10/07/2026
For Manisan Ka Palimbang๐ Alhamdullilah๐๐๐ฉท
๐ฃ๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐, ๐๐๐๐๐๐ฌ ๐๐จ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐๐๐ง-๐ฉ๐๐ช๐! ๐
Isang karangalan para sa Bayan ng Palimbang na makamit ang 106% na marka sa CY 2026 Functionality Assessment ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (LCAT-VAWC), na nagresulta sa pagkilala bilang Highly Functional LCAT-VAWC.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan, mga miyembro ng LCAT-VAWC, at mga katuwang na ahensya sa patuloy na pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng karapatan, proteksyon, at kapakanan ng kababaihan at mga bata.
Taos-pusong pasasalamat sa Hon. Myrna C. Kapina, Municipal Mayor, at Hon. Joenime B. Kapina, Municipal Vice Mayor, sa kanilang patuloy na suporta at mahusay na pamumuno. Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa DILG Sultan Kudarat at sa lahat ng mga opisina at katuwang na naging bahagi ng tagumpay na ito. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang mapalakas ang ating mga programa at serbisyo para sa isang ligtas, inklusibo, at mapagmalasakit na Pamayanang Palimbang.