23/07/2026
Tita Sally Nucom 60th birthday
Every event tells a story, at isa na namang magandang kuwento ang aming naging bahagi sa pagdiriwang ng isang 60th Birthday sa Laus Event Center.
Ang tema ng selebrasyon ay Modern Filipiniana—isang eleganteng pagsasama ng kulturang Pilipino at modernong disenyo. Sa bawat bulaklak na inayos, bawat detalyeng binuo, at bawat pirasong inilagay, buong puso naming ibinigay ang aming makakaya upang maging tunay na espesyal ang okasyong ito.
Wala nang hihigit pa sa saya ng isang event stylist kaysa makita ang kasiyahan ng aming kliyente. Napakasarap sa pakiramdam na makita kung gaano natuwa ang asawa ng ating Vice Mayor sa naging kabuuang set-up. Ang kanilang mga ngiti at papuri ang nagpapatunay na sulit ang lahat ng pagod.
Hindi biro ang trabahong ito. Mahabang oras ng paghahanda, pagbubuhat, pagdidisenyo, at pagbuo ng bawat detalye ang aming pinagdaanan. Kaya naman, ang tagumpay na ito ay hindi lamang sa amin.
Mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming salamat sa lahat ng aming suppliers na patuloy na sumusuporta sa aming mga proyekto. At higit sa lahat, sa aming mga masisipag at dedikadong staff—kayo ang tunay na puso ng bawat event na aming naisasakatuparan. Ang inyong sipag, tiyaga, at malasakit ang dahilan kung bakit patuloy kaming nakapagbibigay ng serbisyong may kalidad.
Sa aming mga kliyente, maraming salamat sa inyong tiwala. Hindi lang kami gumagawa ng event. Lumilikha kami ng mga alaalang mananatili habang buhay.
✨ Every detail is crafted with passion. Every celebration is made with heart.
Full coordination by : Carl Maynard
Stylling by Etnad Pangilinan and Sir Carl
Catering and Grazing by Stella's Events Management Services
Venue: Laus Events place
Host: Joaquin Abrenica
Lights and sounds: Ayson Pro lights and sounds
Photo and video: Dm creatives studio
Stella's OTS videographer: Russel Guanzon
Sa Diyos po lahat ng Papuri at Pasasalamat..
Stella Salonga Garcia Mary Joy Kathleen Garcia