09/09/2021
Ikaw ang pinaka-unang nagtiwala sa amin bilang maging operator mo…
Ikaw ang nagbigay ng dahilan sa amin para huwag itigil kung anuman ang aming nasimulan…
Ginabayan mo kami dahil simula’t sapul pagiging rider na ang iyong naging hanapbuhay para itaguyod ang iyong pamilya…
Sabi mo nga sa pagiging rider ka nagiging masaya. Gusto mo lang malibang dahil nabuburyo ka na sa bahay ninyo. At suportado ka naman nila Ate Marlyn at ng iyong mga anak.
Pero hindi namin alam na ganito mo kami bibiglain😔
May pagkakataon pa na kapag pupunta ka sa bahay para mag-top up. May pinagdadaanan akong problema. Pero kada bato mo ng mga hirit mong joke lahat kami napapatawa mo😔
Paki-yakap na lang kaming magkakapatid kay Papa🙏🏻
Salamat sa paggabay, sa pagbibigay tiwala at tawanan.
Salamat po, Kuya Boyet…
Pakikiramay po sa buong Pamilya Valencia🙏🏻