13/12/2024
Nilagang Baboy, isang paborito sa mga pamilya. Naalala ko pa nung bata ako, si nanay ang nagluluto nito tuwing may espesyal na okasyon. Pero ang twist ko ngayon, dadagdagan natin ng petchay, pechay baguio, at mais para mas masustansya at masarap. Kaya naman kahit busy ako sa trabaho, magluluto tayo ng Nilagang Baboy para sa aking pamilya.
Para sa ating Nilagang Baboy, kailangan natin ng:
• 2 lbs ng pork belly o shoulder, cubed
• 1 medium na yellow onion
• 1 medium cabbage, quartered
• 2 medium na patatas, peeled and cubed
• 4 piraso ng ripe saba banana, sliced in half crosswise
• 6 to 8 cups ng beef o pork broth
• 2 piraso ng mais, hiniwa sa maliliit na bahagi
• 1 bungkos ng petchay
• 1 bungkos ng pechay baguio
• 1 teaspoon whole peppercorn
• Asin, ayon sa panlasa
• 3 tablespoons cooking oil
Steps:
Una, painitin ang 3 tablespoons ng cooking oil sa malalim na kaserola. Pag mainit na, igisa ang sibuyas. Ilagay ang whole peppercorn at lutuin ng 20 seconds.
Pagkatapos, ilagay ang pork. Lutuin hanggang mag-light brown, mga 3 to 5 minutes.
Ngayon, i-pour ang beef o pork broth at pakuluin. Pag kumulo na, hinaan ang apoy at pakuluan ng 45 minutes hanggang lumambot ang pork.
Kapag malambot na ang pork, ilagay na ang mais, saba banana, at patatas. Haluin at lutuin pa ng 12 minutes.
Pagkatapos, ilagay ang cabbage, pechay baguio, at petchay. Timplahan ng asin ayon sa panlasa. Takpan at lutuin pa ng 3 minuto.