02/07/2026
Hello po mga mahal kong followers! Nababasa ko mga private messages niyo sakin. Namimiss ko na din po gumawa ng mga ai stories at namimiss ko na kayo. π Sa ngayon po, hindi pa din po ako makakapag-post dahil tina-tag po ni M ang mga recent uploaded videos ko na may issue daw kahit wala naman. Sa ngayon, from 10 videos na may issue, 3 videos nalang po at lahat ng yun ay Part 41-43.
Ang part 44 ay dinelete ko sa kadahilanang na-tag na po siya ng REVIEWER ni M as may violation sa kanilang policy or guidelines at hindi na po yun pwedeng i-appeal. Ibabalik ko po yun kapag naayos na ang page ko. Isasama ko po yun sa part 45, awa po ng Diyos.
Nagbigay lang po ako ng update dahil marami na pong nagme-message sakin na namimiss na daw nila ang mga likha ko. Gustuhin ko man po mag-post, umiiwas po ako sa additional issue ni M at limited na po ang AI applications na mine-maintain ko.
3 videos nalang po ang may issue so far at nilalakad or inaayos ko pa po yun. Sana kapag nalift ang issues sa mga videos ko ay ma-lift na din ang restriction ng page at suspension ng monetization ko, para makabalik na din po ako sa paggawa ng ai stories.
Maraming salamat po sa lahat ng nag-stay at naghihintay sa pagbabalik ko! God bless you all! π