Snow Joe Ice Cream Quezon City

Snow Joe Ice Cream Quezon City We support the Filipino micro-entrepreneurs in uplifting their lives by providing income opportuniti

Address

Lagro Quezon City
Quezon City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Telephone

+639361326155

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Snow Joe Ice Cream Quezon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Snow Joe Ice Cream Selling

Ang Snow Joe Ice Cream ay naglalayon na makapag-bigay ng dagdag kabuhayan sa mga Pinoy na nagna-nais magbigay ng magandang kinabukasan para sa kanilang mga pamilya. Araw-araw ang paghahanap namin ng mga entre-Pinoy o ng mga kababayan natin na may kakayahan na makasama namin sa pagpapa-abot ng mga de-kalidad na ice cream sa kanilang komunidad. Sa ganitong paraan, nakakapagdala tayo ng ibayong saya sa mga mas nakararami, habang nagkakaroon ng dagdag na kita ang Snow Joe Ice Cream retailer.

Sino ang aming hanap? Pangunahin sa mga kasalukuyan naming kostumer ay mga sari-sari store. Ngunit, maari din na kayo ay may karinderya, canteen, Internet cafe, botika, convenience store, grocery, at iba pang uri ng negosyo na makapaglalaan ng maliit na espasyo para sa freezer na ipapahiram sa inyo.

Ang Snow Joe Ice Cream ay maaring tangkilikin ng lahat ng uri ng mamimiling Pinoy, mapa-bata man o matanda. 100% gawang Pilipinas ang ating mga produkto kaya’t matitiyak na ang mga ito ay napaka-sarap at abot-kaya ng bulsa. Marami ding mapag-pipilian na uri: cups, sticks, cones, at kahit sa mga mas malalaking yunit tulad ng pint, liter, half-gallon at gallon. Dagdag pa dito ay ang pagkakaroon ng iba’t-ibang flavor tulad ng mga variation ng Chocolate (Cookies & Cream, Rocky Road, Double Dutch, at iba pa), mga fruity na flavor (Strawberry, Mango, Buko-Pandan at iba pa), at mga tunay na pang-Pinoy na flavor (Halo-Halo, Buko Salad, Cheese, at iba pa).

Ang aming ambag sa pambansang ekonomiya ay aming pagbibigay ng oportunidad sa lahat na magkaroon ng mas maalwan na buhay. Nais naming maging tulay upang ang ang mga Pinoy ay magkaroon ng tinatawag na entrepreneurial spirit sa pamamagitan ng Snow Joe Ice Cream. Baka ikaw na ang Pinoy na hanap namin.