18/12/2015
USAPANG NEGOSYO
Kung magnenegosyo ka, ang kauna-unahan mong unang dapat iconsider ay kung makakatulong ka ba sa tao?
Tama, simple lang, kung kailangan ng tao ang inooffer mo, kapag binili nila ung produkto mo, makakatulong ka sa kanila.
Madami ngaung marketer na nagooffer ng iba't ibang bagay, maganda affordable at effective na mga produkto.
Meron at maraming mga taong bumibili ng mga bagay na hindi naman talaga nila kailangan. Anu ung mga produktong un? Madami, at ikaw mismo na nagbabasa nitong post ko, alam kong alam mo na kung anu anu un, kaya hindi ko na iisa isahin pa, maaring ikaw nga, buyer ka din ng mga produktong hindi mo nman tlga kailangan. Pero hindi na mahalaga un, ang importante ngaun ay pagtuunan mo ng pansin ung mga sunod mong babasahin.
Bilang isang negosyante, kailangan mong isipin ang produkto na inenegosyo mo. Hindi tau basta basta pwede magsimula ng negosyo, at kapag nakapagsimula tau, hindi naman tayo basta basta pwede magpalit.
Para makapagisip kang mabuti,
Ito ung mga tanong na kailangan mong sagutin, bago ka magsimula ng negosyo:
1. Paanu mo ibebenta ang produkto mo?
2. Sino sino ang magiging customer mo?
3. Magkano ang investment sa business na itatayo mo?
4. San mo ippwesto ang business mo?
5. Magkanu ang kikitain mo?
Kapag nagkaron ka na ng idea sa limang katanungan na yan, pagaralan mong mabuti, pero I advice kita na wag mong patagalin. Hindi mo na maibabalik ang mga oras na lilipas at gugugulin mo sa pagiisip. Walang yumayaman sa pagiisip at pagaaral. Kelangan mo ng aksyon.
Kelangan mong kumilos at humakbang patungo sa maunlad at masaganang kinabukasan mo.
Kailangan mo tong gawin para makaahon ka sa kahirapan na nararanasan mo ngaun.
Kailangan mo tong gawin kung gusto mo maging sapat ung mga bagay na dati ay kulang sau.
Anu pa man yang naisip mong negosyo kaibigan, Congratulations, dahil you made your 1st step to improve your existing life towards to success.
Ngayon kung wala ka pang naiisip na negosyo.
Maari kitang tulungan dyan, ang kailangan mo lang gawin ay ipaalam sakin na kailangan mo ng tulong at opinion ko para makapagsimula ka.