03/07/2026
BAGYONG ‘BAVI’ O ‘INDAY’ NAGSISIMULA NA NG RAPID INTENSIFICATION O MABILISANG PAGLAKAS ⚠️🌀
TINGNAN: Kitang-kita sa pinakabagong satellite imagery ngayong araw ang mabilis na paglakas o rapid intensification ng Bagyong (na tatawaging ) habang kumikilos sa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko.
Mula 4:00 AM hanggang 12:00 PM, kapansin-pansin ang tuloy-tuloy na paglinaw ng mata (eye) ng bagyo, gayundin ang pagkapal at pagiging mas organisado ng eyewall at spiral rainbands, mga senyales na patuloy na lumalakas ang bagyo.
Ang rapid intensification ay tumutukoy sa pagtaas ng lakas ng hangin ng hindi bababa sa 55 km/h (30 knots o 35 mph) sa loob lamang ng 24 oras.
Ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC), inaasahang patuloy pang lalakas ang bagyo maaaring umabot sa Category 5 Super Typhoon, na may tinatayang 1-minute sustained winds na aabot sa 280 km/h bago ang pinakamalapit nitong paglapit sa Commonwealth of the Northern Mariana Islands (CNMI).
Inaasahang hahagupitin ng bagyo ang CNMI, kabilang ang Saipan, Tinian, at Guam, kung saan posibleng maranasan ang mapaminsalang hangin, matinding pag-ulan, at mapanganib na storm surge sa oras ng pagdaan nito.
Bagama’t HINDI TATAMA SA PILIPINAS, HAHATAKIN NITO ANG HABAGAT simula NEXT WEEK, WEDNESDAY na magpapaulan sa western sections ng bansa.
Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng mga awtoridad at weather agencies para sa pinakabagong update at mga babala.
July 3, 2026
Philippines Watch