12/03/2026
YOU CHANGE YOUR GEAR FROM EMPTY HEAD TO BITTER MODE
“WITH ALL DUE RESPECT, HINDI PO” — REP. RENEE CO, DUDA SA SINSERIDAD NI MARCOS SA LABAN KONTRA KORAPSYON
Nagpahayag ng pagdududa si Rep. Renee Co hinggil sa sinseridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pahayag na lalabanan ang korapsyon, lalo na sa mga proyekto tulad ng flood control.
Sa isang panayam, tinanong si Co kung naniniwala siya sa pangako ng pangulo na sugpuin ang korapsyon.
“With all due respect, hindi po,” sagot ni Co.
Ipinaliwanag niya na may mga umiiral umanong alegasyon tungkol sa malaking budget insertions sa 2025 national budget na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot.
Ayon kay Co, kabilang sa mga binabanggit na isyu ang umano’y ₱100 bilyong insertions sa budget at ₱8 bilyon na sinasabing ginamit para sa eleksyon.
“That is because there are standing allegations that he inserted 100 billion in insertions in the 2025 budget and 8 billion na ginamit for election. Hanggang ngayon, hindi pa rin sinasagot ’yun,” ani Co.
Dagdag pa niya, dahil sa mga isyung ito ay may nararamdaman umanong “betrayal of public trust” ang ilang mamamayan.