11/10/2024
Bilang bahagi ng aming pagtatapos sa kursong ito, nais naming gamitin ang oportunidad na ito upang maipabatid ang aming lubos na pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa aming munting negosyo na hindi namin inakalang aabot sa ganito.
Marami na ang nagtanong, naguluhan, at nagtaka kung bakit rabbit business ang napili naming business na i-develop. Unang una ang rabbit meat ay isa sa pinaka masustansyang karne na makakain ng isang tao. Bukod pa rito, ang rabbit livestock ay maituturing na environmental friendly industry at sa larangang ekonomiko, ito ay maituturing na isang sustainable meat na maaaring pamalit sa manok, baboy, at isda.
Batid namin na hindi pa tanggap ang rabbit bilang isang staple meat sa bansa at alam namin ang mga kahaharapin naming challenges sa pagtataguyod ng aming business plan, ngunit ginawa namin itong dahilan para tumindig at itaguyod ang rabbit meat industry sa lugar na ito. Nagkaroon kami ng adbokasiya na ipakilala ang industriya na ito dahil nakita namin ang potensyal na maitutulong nito sa komunidad at kalaunan sa buong bansa.
Kung isa man kayo sa mga sumusuporta at sumubaybay or nacurious sa amin, hayaan nyong ibahagi namin sa inyo ang mga awards namin kasabay ng mga experiences dito.
🏅 Best Business Plan 2023
🏅 Top 10 in Business Plan Pitching (PUP Sta. Mesa)
🏅 Most Promising Business Implementation 2024
Syempre hindi matatapos ang post na ito ng walang pasasalamat sa mga haligi ng Rabb-Eat.
Sa tao na syang nagpasimula ng lahat si Louie Andrei Dabu, maraming salamat sa pagpapakilala ng ideya na ito sa buong grupo at pag motivate sa amin na gawin ang bagay na ito kahit walang kasiguraduhan at nakakatakot sa una. Pati na rin pagbibigay kaalaman sa iba't-ibang putahe na maaring gawin ng grupo.
At syempre ang nagbigay ng pangalan ng aming business na si Jeric Gabarda, salamat sa iyong creativity at pagbibigay ng kakaibang panlasa sa grupo. Binigyan mo ng panibagong perspective at great ideas ang grupo natin.
At syempre ang walang kapagurang marketista namin na si Joshua Clarin, ang ama ng page, na sya ring kumanta at nagcompose ng jingle ng Rabb-Eat, ang galing mo dude! Lagi mo kaming pinapahanga.
Sa aming dalawang napakasipag na mathematicians na si Jillian Castro and Angelene Eleazar na humawak ng aming finances, maraming salamat sa inyong patience at mga sleepless nights, saludo ako sa inyo.
Di rin papahuli syempre si Katelyn Balcueva na tumutok sa aming business plan, maraming salamat din sa mga pagpupuyat at walang sawang pageedit.
Nais ko ring pasalamatan ang napakabait naming CEO si sir Bonn Florentino na aming supplier, at isang malaking bahagi ng aming business, salamat sir dahil tinulungan mo kami dito dabest ka sir Bonn, mabuhay ka!
Syempre ang nagsulat nito truly yours Marc Paulo Bagtas na inyong General Manager, mula sa puso ko, maraming salamat. Hindi man ako perpekto pero naitawid at nakakuha pa ng maraming awards dahil efforts ninyong lahat. Batid na batid ko na marami pa kayong nagawa na hindi ko na mababanggit pero iisa lang ang alam ko, hindi magiging successful ang grupo kung wala ang kahit isa sa ating pito. Lahat tayo tumindig, naglakas loob, at buong tapang na sumubok sa gitna ng walang kasiguraduhang kahihitnatnan. And here we are, nagbunga ang lahat.
Napatunayan namin na walang masamang sumubok, either you take it, or lose it. Kung kaya namin, kayang kaya nyo rin ito syempre.
Again, maraming salamat sa pagsuporta sa amin, hanggang sa muli mga ka isko at iska, thank you for the great ride.
Rabb-Eat is now signing off 🎓