30/01/2026
Ganito talaga ang biyahe kapag nagtatrabaho sa kalsada. Minsan maayos ang takbo, minsan may aberya tulad ng naputok na gulong. Hindi ito dahilan para tumigil, inaayos lang, tapos tuloy ulit ang byahe. Ganyan din sa buhay, may mga bagay na biglang masisira o magpapabagal sa’yo, pero hangga’t marunong kang huminto para mag ayos, makakarating ka pa rin sa gusto mong puntahan.