09/11/2025
https://www.facebook.com/100063701839695/posts/1501099082023472/?mibextid=rS40aB7S9Ucbxw6v
Maraming residente ang humihingi ng agarang rescue, lalo na sa Pugaro-Suit matapos magsalubong ang tubig sa dagat at ilog ayon sa mga ulat mula sa mga residente. May mga pamilya nang napilitang umakyat sa bubungan upang makaiwas sa mabilis na pagtaas at pagragasa ng tubig.
Sa gitna ng hagupit ng Super Typhoon Uwan, nagsimula ang pagdagsa ng mga panawagan ng rescue bandang 9:00 PM ng Nobyembre 9 at nagpapatuloy pa rin hanggang sa mga oras na ito, 1:52 AM ng Nobyembre 10.
Umabot na rin umano hanggang dibdib ang tubig-baha sa parte ng Arellano St., partikular sa lugar na tinatawag na โAlingโ, ayon sa isang residenteng humihingi ng agarang rescue.
Samantala, ayon sa ibang ulat ng mga residente, puno na rin umano ang ibang evacuation center sa lungsod, kung saan patuloy ang pagdating ng mga evacuees na lumikas mula sa mabababang lugar.
Bukod dito, hindi na rin makontak ang mga hotline numbers ng rescue teams dahil sa dagsa ng mga tawag mula sa mga residente na humihingi ng tulong,
Nananawagan ngayon ang mga residente ng agarang rescue teams at relief assistance habang patuloy ang malakas na ulan at bugso ng hangin dulot ng bagyo.