08/04/2025
PROTIPS - April 8, 2025
Managing Expectations
By Maloi Malibiran-Salumbides
Siguro ay naranasan mo nang mag-expect at umasa sa isang tao o pangyayari, pero ibang-iba sa inasahan mo ang nangyari. Kung nahigitan ang iyong expectations, tiyak na masaya ang pakiramdam. Pero kung umasa ka at di naman natupad ang inakala mong mangyayari, nakakasama talaga ng loob at minsan nga'y nakagagalit pa. Ano nga ba ang mabuting gawin para hindi tayo ma-disappoint o kaya'y ma-frustrate sa tuwing hindi mangyayari ang inasahan mong mangyayari. Paano ka nga ba dapat makitungo sa mga taong paasa?
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
How should you manage expectations so that when they are not met, you are not devastated?
1) Avoid setting expectations based on hearsay. Iwasan mong umasa base lamang sa kung ano ang sinasabi ng iba. Halimbawa, may nabasa ka sa social media na masarap ang pagkain sa ganitong restaurant, o kaya ay maganda ang isang palabas na napanood ng kaibigan mo. While other people's recommendations are helpful, palagi mong tatandaan na magkakaiba ang taste natin. Ang masarap sa iba, maaaring hindi angkop sa panlasa mo. Ang maganda at entertaining sa iba, maaaring hindi naman patok sa iyo. Kung ibabase mo ang iyong expectations sa sinasabi ng ibang tao, tiyakin mo lang na ang standards ninyo ng kung ano ang maganda, magaling o mahusay ay pareho.
2) Base your expectations on proven track record. Kapag may nangutang sa iyo at sinabi niyang magbabayad siya sa katapusan ng buwan pero sa karanasan mo at ng marami ay may ugali ang taong ito na takbuhan ang kanyang obligasyon, mag-e-expect ka pa ba na tutupad siya sa usapan ninyo? When you deal with someone who has a proven track record of not delivering on time and not finishing his work, asahan mong mas malamang ay ganun din ang gagawin niya sa iyo. Ang minsang pagkakamali, pwede mong palampasin. Pero kung paulit-ulit at sadyang hindi nagagawa ng maayos kanyang trabaho, maaaring kulang sa kakayahan, kaalaman o baka talagang di maaasahan ang kausap mo.
3) When a deal is too good to be true, beware. Marami na ang umasa na aasenso ang buhay nila dahil sa pangako ng mga business opportunities na sinalihan nila. Kaya lang ang pangako ay napako at ang umasa, nganga na lang ng maubos na ang kanyang ininvest na pera. Talagang malungkot kapag nangyari ito sa atin. Nakapanghihina at nakapanghihinayang. Pero ilang beses na rin naman tayong napa-alalahanan na kapag ang isang negosyo ay nangangako ng malalaking kita agad-agad, kailangang maging maingat tayo. A business deal that is too good to be true, more often than not is a scam. Baka paasa lamang ito sa simula, pero sa bandang huli, ikaw ay ngangawa.
We need to learn to manage our expectations do that we won't end up frustrated and angry when they are not met. Gumamit tayo ng karunungan, huwag din nating kalimutan ang mga aral ng nakaraan para matimbang natin ng mabuti kung sino at ano ang marapat na asahan at pagkatiwalaan.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!