18/04/2026
Another sad night mga papi… 😔
May nagpaalam na naman sa atin—isang wash mitt (chamois canebo at microfiber) at isa sa mga free-use na tire black (na irerefill ko pa sana). Natangay ni kuya.
Hindi ko alam kung napamahal na sa kanya yung basahan natin o sobrang effective nung tire black kaya napa-takeout siya. 😅
Kuya, sana nag-PM ka na lang sa page. Willing naman kami magbigay—basahan man, microfiber o chamois. Kahit spray bottle, pwede ka rin namin tulungan i-refill.
Kidding aside mga papi—₱5 lang po ang service natin. Sana naman po, huwag na natin kunin yung mga “nililibre” namin para sa lahat ng customers. Para po ito sa lahat, hindi pang-uwi.
If you need anything, just ask. Andun lang po kami to help. 🙏