26/10/2025
Meet our rescued cat, MingMing ✨🫶🐈🐱
She just gave birth to cute little mingmings 🥹😍🥰✨🐱🐈🫶
Story Time:
June 21, 2025
On the way ako noon papunta sa farm nung napansin ko si tatay na nakamotor may hila hila.
Nagdradrive ako ng motor nun at pagkakita ko sa kanila tumigil agad ako sa gilid. Kinuhanan ko ng video si tatay para incase lang ay may proof ako sa ginawa niya. Sinundan ko hanggang sa tumigil siya sa may malaking puno. Tumigil ako saglit lagpas nung kanto kung saan siya lumiko, kaso nung nakita ako ni tatay, sa sobrang kaba ko na baka sugurin niya ako eh pinaandar ko agad ung motor at pinatakbo ng mabilis. Pagkadating ko sa may tindahan na tapat ng school malapit, ay tumabi ako ng saglit at nagpalipas ng mga 30 seconds saka ako bumalik. Nakasalubong ko pa noon si tatay and as expected, sinubukan pala niya talaga akong sundan.
Pagkabalik ko dun sa may puno, nakita ko doon si mingming na iniwan ni tatay. Habang inaayos ko ung bag na meron ako para paglagyan ko sa kanya, dumating si tatay at sinubukan akong kausapin.
Ang sabi ni tatay, “nangangalmot kasi yan at nangangagat”
So ako naman nagulat kasi nung kunin ko si mingming, di siya pumalag or nagalit man lang. ang bait niya at hindi ako nahirapan na buhatin siya. Kaya ang nasabi ko na lang kay tatay eh kahit ano pa yan tay hindi mo dapat kinaladkad ng nakatali. Pwede mo naman iligaw ng hindi siya sinasaktan.
Makikita yung itsura niya noon na sobrang payat tapos kalbo pa yung sa may leeg niya. Halatang napabayaan at nakatali lang siya kung saan man siya dati.
Pero ngayon, sobrang ganda na ng katawan niya, ang smooth ng balahibo and take note, sobrang lambing niyang pusa. For 4 months mula nung narescue ko siya, ni minsan hindi niya ako nakalmot or nakagat. Wala pang isang linggo, malapit na agad siya sa amin sa farm.
And now, sobrang happy lang kasi kung dati sobrang payat niya, ngayon sobrang healthy na niya. She is also very playful and well behaved. Plus yesterday she became a mama cat 😍🥰🥹🐈🫶✨
Simple act of kindness means a lot for these cute little creatures. All they need is love and care.
Disclaimer: No animals were harmed or abused in this post.