09/07/2026
๐ข PABATID sa aming mga suki at mga kaibigan
P A T U L O Y pong B U K A S at nagpapatuloy ang operasyon ng aming T I N D A H A N ( Consumer Goods Trading) habang isinasagawa ang pagsasaayos at pagkukumpuni ng aming establisimyento.
Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abalang dulot ng aming pansamantalang lokasyon at setup. Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong pang-unawa, suporta, at patuloy na pagtangkilik.
Hinihiling din po namin ang inyong panalangin para sa mabuting kalusugan, karunungan, at gabay ng may-ari, gayundin ang kaligtasan at gabay ng aming mga manggagawang masigasig na nagsasagawa ng pagkukumpuni.
Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Inaasahan naming maihatid pa rin sa inyo ang pinakamahusay na serbisyo sa kabila ng kasalukuyang pagsasaayos.
Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat ng Diyos. ๐โฃ๏ธ๐