24/07/2026
❤️ This is music to our ears.
Isa sa vision namin sa Sio Corner Bites ay makapaghatid ng legit homemade siomai at masarap na chicken dumplings na talagang babalik-balikan ninyo.
Hindi naging madali ang simula. Isa sa pinakamalaking challenges namin ay kung paano makakapag-produce ng mas marami at hindi malalabsak nang hindi isinasakripisyo ang quality. Alam naming ang paggawa ng homemade siomai ay nangangailangan ng maraming oras, effort, at manual work.
Marami kaming trial and error, lalo na sa homemade siomai. Hanggang ngayon, patuloy pa rin naming inaaral kung paano mapapanatili ang quality, consistency, at lasa sa bawat batch, kahit mas dumadami na ang ginagawa namin.
Isa lang ang paniniwala namin, kung hindi namin nagustuhan ang produkto, hindi rin namin ito ihahain o ibebenta sa inyo. Kaya patuloy kaming nag-iimprove hanggang maibigay namin ang pagkaing ipinagmamalaki naming ihain.
Kaya ang mga simpleng feedback na tulad nito at ang mga customers na bumabalik para umorder ulit, sobrang nakakataba ng puso. ☺️❤️
Maraming salamat sa bawat feedback, recommendation, at suporta.
Happy eating, mga Ka-Sio Corner Bites! 🥟❤️