19/08/2026
Pagpupugay sa Ama ng Wikang Pambansa!
Isang marangal na 21-gun salute bilang bahagi ng paggunita sa ika-148 na kapanganakan ni Pangulong Manuel Luis Quezon, isang natatanging lider na nag-iwan ng makabuluhang pamana sa kasaysayan ng ating bansa.
Sa bawat putok ng baril, alalahanin natin ang kanyang paglilingkod, paninindigan, at malaking ambag sa pagsusulong ng isang wikang magiging daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino.
Mabuhay ang alaala ni Pangulong Manuel Luis Quezon! 🇵🇭