14/09/2026
May nagreply nang nagreply sa comment ko. Hindi about baha ang post pero isiningit niya ang isyu. Matapos kong ilatag mga ebidensya ng pagkakaroon ng baha sa Davao, sarado pa rin utak. Yes po, may mga binabahang lugar duon kahit above sea level ang Davao City, gaya ng Matina, Talomo, Los Amigos, atbp. Kung talagang maayos ang flood control duon, hindi dapat binabaha kahit konti dahil nga hindi naman halos daanan ng bagyo ang Mindanao.
Isa pa, hindi naman ganun kaganda ang Davao dahil nakapunta na ako duon. Mas maganda pa ibang lugar kahit laging may natural disaster. May squatters at malawakang prostitusyon din duon at iba pang sindikato at krimen. Kahit i-research pa ninyo. π€
Ang Luzon kaya binabaha ay dahil maraming areas na below sea level at mga catch basins ng ulan. Madalas din ang bagyo, LPA, at Habagat sa Luzon pati sa Visayas kaya prone talaga sa baha, lalu ngayong halos walang tigil ang ulan. Kaya mahirap solusyunan ang problema dahil wala nang mapuntahan ang tubig. Hindi lang ito dahil sa flood control.π₯
Ang problema sa baha kahit saan ay dulot ng magkakasamang dahilan na mababa nga ang maraming lugar/below sea level, may mga kalbong kabundukan, may palpak na flood control, maraming taong walang disiplina sa pagtatapon ng basura, at daanan talaga ng mga bagyo, LPA, at Habagat ang Luzon at Visayas. π₯
Hindi rin sa kasalukuyang administrasyon ang karamihan sa mga palpak na flood control projects. Nilinaw ko rin na hindi ako fan ng unithieves at wala akong pinagtatanggol sa kanila. π€ͺ
Dahil sarado naman utak ng commenter sa pagkapanatiko niya sa idolo niyang mga politiko, blocked ko na lang siya. Mahirap makipagtalo sa hindi marunong magresearch at walang alam sa geography, environmental science, meteorology, proper waste management, political issues, at iba pang bagay. Para akong nakipag-usap sa pader. π€¦
Wala rin akong pake kung may mga mainis sa post na ito dahil ako nga, nag-a-unfollow ng mga panatiko sa politiko. Kaysa naman toxic ang feed ko. π€ͺ