18/03/2024
To our valued customer.
Sorry for inconvenience
Ika-18 ng Marso, 2024
Sa Aming mga Tagatangkilik:
Nais po naming ipabatid sa inyong kaalaman na pansamantalang makararanas ng mahina o pagkawala ng daloy ng tubig sa buong maghapon ng March 18, 2024 hanggang March 20, 2024 sa mga sumusunod na lugar:
FVR Phase 1 – 5
KANEBO
Sitio Rolling Hills
Pasong Saging
Barangay Delas Alas Block 15 & 26
Barangay Ramon Cruz Block 13 & 14
Ito po ay sa kadahilanang magsasagawa ng agarang pagsasa-ayos ang GMAWD sa Pumping Station No. 14 dulot ng biglaang pagkasira nito na kung saan ay siyang pinagkukunan ng tubig ng mga nabanggit na lugar. Ang nasabing pagsasa-ayos ay tinatayang matatapos sa loob ng humigit-kumulang tatlong araw.
Ang GMAWD ay magkakaroon nang pagrarasyon ng tubig sa pamamagitan ng water delivery trucks na iikot sa mga apektadong lugar sa buong maghapon sa nabanggit na petsa.
Hinihiling po namin ang inyong lubos na pakikipag-tulungan at pang-unawa.
Maraming salamat po.
Pamunuan ng GMAWD